A WISH
"Sino-sino ang nasa operating room?" tanong ni Franco kay Hannah
Kahit hirap ay sinagot parin ni Hannah ang tanong nang lalaki "Si Paz, Damian, At France lang"
"Nasaan si Manlagit?" Muling tanong ni Franco
"Wala na ang anak ko..." saad nang isang babae na tulala sa nakupo sa harap nang mag-asawang Legaspi at Hannah. Lumigon naman sila sa sumagot "...He was also proclaimed dead-on-the-spot tulad ni Pinagtagat. Nasa morgue siya ngayon. Sabi nila he was decapitated" malakas na iyak nito. Hindi napigilan ni Maricel na lapitan ang ginang at yakapin. Sa oras na ito sila-sila na lang na magulang ang puwedeng magdamayan, yung ang sumagi sa isipan nang mag-asawang Legaspi
Makalipas ang sampung minute isang doctor ang lumabas nang operating room. Lahat nang naroon ay tumayo upang salubungin ang kalalabas na doctor. Naghihintay nang sasabihin nito. may ilang dugo ang pa na nagkalat sa surgical gown nito. tinangal nito ang headcap at face mask.
"Sino po ang kamag-anak ni Bulawan?" simpleng tanong nito
"K-kami po. A-ako ang n-nanay ni Da-Damian Bulawan, Doc" saad nang babae na may kalakihan ang tiyan dahil sa pagdadalang tao at sa likod nito ay ang asawa niya, kasama din nila ang isang anak pa nilang babae.
"Papano ho ang anak ko, si Bunsalan" tanong ni Hannah sa tabi ni Maricel
"Hintayin niyo nalang po ang doctor ni patient Bunsalan, misis. Mas masasagot po niya ang mga tanong niyo" sinenyasan niya sa isang sulok ang pamilya Bulawan at mukhang sinasabi kung ano ang naganap sa loob nang operasiyon ni Damian
Pagkatapos nang kanilang usapan ay kitang-kita nang nila Maricel, Hannah, at Franco ang pagkahimatay nang in ani Damian. Buti nalang at maagap ang asawa niya at ang doctor upang masalo ang nawalan nang malay na ginang. Habang ang anak nilang babae ay napaupo sa sahig habang umiiyak. Lumapit si Hannah at Maricel sa batang babae at pinaupo sa upuan nila. Habang sinamahan naman nung ama nito ang asawang nahimatay idala sa isang higaan
"W-wala n-na daw si Kuya D-Damian ko" umiyak ito nang malakas habang yumakap kay Hannah na tahimik ding nakikiiyak
👻
"Mom...my..." mahinang saad ni France na kagigising lang mula sa katatapos na operasiyon. Agad din itong narinig nang ina niyang nakaupo sa tabi nito, pati ang ama ni France na nakatayo sa di kalayuan sa silid "...Dad"
"Oh my..." mabilis ang kilos nang in ani France upang damayan ito "You are awake"
"Mom, I get i-it now" saad ni France sa ina kahit hirap magsalita
"What?" litong tanong ni Maricel
"S-sa a-king paglisan..." pilit na inangat ni France ang kamay niya na agad namang hinawakan ni Maricel. Tumutulo na ang luha niya ngunit pilit niyang pinakikingan ang sinasabi nang anak "...Ngunit si... siya ring pag s-sindi nang i-ilaw... na nina... kaw"
"Anong ibig mong sabihin anak?"
"G-Give my eyes t-to P-Paz, Mom, Dad. P-please"
"What are you talking about son?" takang tanong nang ama ni France at pinahid ang tumakas na luha.
"Everything's going to be okay. you'll be okay, son..." pilit na ngumiti si Marcel "...Happy birthday, my son"
Ngumiti si France bago tuluyan ipikit ang mga mata sabay nun ang pag guhit nang flat line sa monitor na nakakabit kay France
☣

BINABASA MO ANG
ONCE UPON A DREAM
Misterio / SuspensoIt's the longest dream I had. The longest dream I wish I never had. It hurt, painful, and scary but I know you are there, that makes me feel safe for some reason. Ang sakit at takot na naramdaman ko nung araw na yun ay babaunin ko hangang makapiling...