CAPITULUM QUATTUORDECIM

3 0 0
                                    

Paz's POV

Sinundan ko ito hangang malampasan niya ang hagdanan. Mukhang tutungo ito sa ibang kuwarto nang bahay

"Lirma..." isang lalaki ang lumabas mula sa isang kuwarto ang nakakita kay Lirma. Nang humarap at lumapit si Lirma rito ay nagulat ito nang makita ang itsura ni Lirma na puna nang dugo ang buong katawan at mukha "...Anong nangyari sa-" hindi na natapos ang sasabihin nang saksakin din ito ni Lirma

"Hermano Ponce" Lirma tilted her head and smirk at her older sibling. She is now scary and creepy as she blankly stabs her brother one more time. Limang beses niya itong sinaksak bago walang sabi-sabing umalis at muling naglakad.

Sa isang silid nag tungo si Lirma. Nakita ko ang isang babaeng hindi nalalayo ang edad kay Lirma ang payapang natutulog rito. Lumapit si Lirma nang hindi gumagawa nang ingay gamit ang isang unan ay tinakip nito sa mukha nang babae ang unan. Nagpumiglas man ito ngunit hindi ein naglaon ay hindi na gumalaw. Inalis ni Lirma ang unan ay dilat na hindi gumalaw ang babae.

Walang emosiyon na binato ni Lirma ang unan sa sahig at agarang umalis sa silid. Dalawang silid ang nilampasan niya bago pinasok ang huling silid. Lumaki ang mata ko nang mapagtanto ko kung kanino ang silid na pinasok ni Lirma. Dalawang tao ang natutulog sa kama. Ang nanay at tatay ni Lirma. Walang hinintay na oras si Lirma at agarang pinagsasaksak ang walang kalaban laban na nanay niya. Dahil tulog at walang kamalay malay na in anito. Tatlong saksak sa dibdib ang binigaw ni Lirma. Bago tuluyang tumayo sa tabi nang amang natutulog parin. Ngunit hindi tulad nang ina niya na agaran niyang pinatay hindi muna sinaksak ni Lirma ang ama bagkus ay nanatili ito sa tabi habang mataman na naktitig sa natutulog na ama. Mukhang naramdaman nang matandang lalaki ang presensiya ni Lirma kaya nagising ito.

"Santa santisima... Ahh" daing nito nang saksakin na ni Lirma. Ilang beses niya itong sinaksak habang tumatawa na para bang nababaliw na.

Tumatawang naglakad palabas nang bahay si Lirma. Habang umiiyak naman akong sinusundan siya. Nagtungo sa likod bahay si Lirma at may isang balon roon.

"Lirma, No!" saad ko nang mahulaan kung ano ang nais niyang gawin. Hindi naman ako nagkamali nang tumigil ito sa tapat nang balon at tahimik na pinagmamasdan ang madilim at malalim na balon

"Paz..."

"Lirma, Huwag mong..."

"Paz..."

"Gagawin yan please"

"Pazzy" isang gungun ang naramdaman ko at agad na tumanban saking harapan si France na nakakunot ang noo at nagalalala.

Nakita ko rin ang iba naming kaibigan na mataman akong pinapanuod

"Okay ka lang?" malapit nang umiyak na saad ni Luke

"Anong nangyari?" tanong ko sakanila

"Dapat nga kami ang nagtatanong niyan di ba" sita ni Ryan

"Did you see a vision?" saad ni Damian

"Vision?"

"Vision?" sabay na saad namin ni France

"Hindi mo katulad si Paz, Damian" muling saad ni Ryan kay Damian

"Eh papano nalaman ni Paz ang mga panglang Fernan, Maria, o Ponce?" si Fon ang sumagot

"Siguro nabasa niya ang lapida" pinailawan naman ni Ryan ang isang lapida na nakalagay sa kabaong

"Lapida?..." tanong ko habang binabasa ang lapida "...Don... Gustilo Pelaez" sambit ko

"Hindi naman nakita ni Paz yung lapida sa gilid" muling giit ni Fon

"Tama na..." awat ni France "...Paz okay ka lang?" muling tanong ni France sakin at hinawakan ang ang balikat

Tumango ako "I think I saw them again..." tumingin ako kay France "...This thomb is missing one more corpse"

"Huh? Sino?"

"Lirma" tanging saad ko

ONCE UPON A DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon