Dela Frontera Series #1
Andrienne Dela Frontera - Vera Adeline Montero
"I am completely charmed and eradicated by you, Dela Frontera." She sipped on her wine glass and stared me through her long lashes.
"To be taken by you over and over again is wha...
"Akala ko naman kasi lahat ng malungkot eh ice cream ang hanap." Maktol ko kay Vera ng hindi niya ginalaw ang Ice cream na bili ko sa convenience store kanina.
I was supposed to take her on a date para naman gumaan ang loob nito kahit papano ngunit hindi pwede dahil nga madami ang nakakakilala sa aming dalawa around here. Kaya naman ay dumaan nalang kami sa isang store at bumili ng ice cream pero ang siste, hindi pala mahilig.
Tumaas ang kilay nito sa akin at humalukipkip. Naka upo kami ngayon sa may kitchen at kasalukuyan kong pinapapak ang binili ko. Sayang naman kung walang kakain ano?
"You didn't ask." Maigsing sabi nito.
After she cried earlier ay parang walang nangyaring umalis kami sa room na yun. Of course, hindi kami sabay. Nauna siya at sabi nito'y dadaan lang siya sa faculty at hintayin ko siya sa parking lot.
"Ano bang gusto mo? O-order nalang ako."
"Akala ko ba'y nanliligaw ka? Aren't you supposed to impress me?"
Tinignan ko siya ng mataman, nakipag titigan din naman ito sa akin pero dahil hindi ko kayang tapatan ang intensidad ng mga titig niya ay pinutol ko ito. Napakamot nalang ako sa batok ko at pilit na nag isip ng mga bagay na gusto nito.
She's not really into sweets pero she has this one brand na gustong gusto nito. Sa katunayan nga ay nakita ko ito sa ref niya, sabi niya ay hindi na siya nakakapag restock non because of her busy schedule. Para namang may umilaw na bulb sa utak ko ng maalala ko to.
Vera looked at me, confused at pinilig pa nito ang ulo.
"What is it?"
"Let's go buy groceries?" Tanong ko, hoping na papayag siya. "I know a place na di kalayuan dito and no one knows about us there." Kumbinsi ko pa.
She looked like she's considering my suggestion.
"Is this your way of asking me out? Pathetic, Dela Frontera." Naiiling na sambit nito.
Tumayo ito at naglakad tungo sa sala, bago pa man ito makaalis ay nagsalita ito.
"Magbibihis lang ako."
Agad na bumangon ang excitement sa puso ko dahil sa sinabi nito. Vera is not fond of going out lalo na at public places and gatherings. She hates that kind of stuff kaya naman ay masaya ako at napapayag ko siya.
Naghintay pa ako ng halos kalahating oras kay Vera bago ito tuloyang lumabas sa kwarto niya. Literal na napanganga ako sa suot niya ngayon, sobrang nakakamangha talaga ang kagandahan nito. Yung tipong hindi pagsasawaan ng mga mata mo kahit na titigan mo ito buong magdamag.
Vera is the combination of classy and elegance.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Andrei." Nagising ako ng may mahinang tampal sa pisngi ko. Kumurap kurap pa ako. "Kanina pa kita tinatawag."
"I'm sorry. I was just mesmerized." Paos ang boses kong sabi dito. Mukha namang naappreciate niya ang compliment ko ng mag kulay rosas ang kanyang mga pisngi.