"What do you want to be when you grow up?"
Napatingin ako sa nakakatanda kong kapatid na si Aster nang marinig ko ang tanong niya.
Kasalukuyan kaming nasa ibabaw ng aming bubong, tinatamasa ang kagandahan ng gabi. Sobrang daming bituing nakakalat sa langit at mas lalong tumitingkad ito dahil sa perpektong hugis bilog na buwan na nagsisilbi naming liwanag.
"A teacher," sagot ko, kunot-noong napangiti sa kaniya. "Palagi ko namang sinasabi sa'yo iyan, 'di ba?"
Aster was looking at a tantalizing celestial view above when her lips stretched into a beautiful but empty smile.
"Gusto ko lang marinig ulit," aniya.
Parang na'sa malalim na pag-iisip.
"Ikaw?"
Napalingon siya sa'kin, "huh?"
"Anong gusto mo paglaki mo?" Tumamlay ang mukha niya sa naging tanong ko. "Wala ka pang nababanggit sa'kin," dugtong ko at inilipat ang tingin sa langit.
I heard her sigh.
"Wala e," she answers briefly.
I abruptly turn my head to my left side where she is currently sitting. "What do you mean? Wala ka pang pangarap?" tanong ko.
"Dapat meron ka rin, Aster. You heard our teacher a while ago?" daldal ko pa sa kaniya na tahimik lang.
Isang taon ang agwat ng edad namin. Tumigil siya sa pag-aaral noong grade one siya kaya magkaklase kami ngayon.
Tumango siya sa akin, "oo, tandang-tanda ko pa na ang pangarap ang nagsisilbing direksyon sa buhay natin. Without it, we are like a ship without a captain." She chuckles.
"Bakit ka tumatawa?" I ask her.
"Na-realize ko lang na ang hirap palang maglayag." Sagot niya at tumawa ulit. "Kailangan mo pang mangarap."
I look flatly at her. "Nakakatawa na 'yon?"
"Wala akong sinabi." She responded and laugh again, she seems so happy and free.
Pero ang mas nakaagaw ng atensyon ko ay ang mga bagong sugat niya sa napakaputi niyang palapulsuhan. Gusto ko mang tanungin siya sa nangyari ngunit hindi ko ginawa dahil hindi ko alam kung paano siya kukumpruntahin. Instead, I closed the gap between us and leans my head on my her shoulder.
Pinagsiklop ko ang aming mga palad at dinama ang init na hatid nun sa aking puso.
"You are so precious to me, remember that." I said to Aster as I felt hot liquids streaming down my cheeks as I stared at our wrists with the scars of the demons we've been fighting.
"Sorry," aniya.
"Huh?" tugon ko.
She just smiled, "wala."
Pinakatitigan niya ako at pagkatapos ay pinahiran ang aking mga basang pisngi gamit ang kanyang mga palad.
"You're crying."
Mas lalong bumuhos ang mga luha ko. "You're hurting yourself a-again." I sob.
Kinabig niya ako payakap. "Hush now, love. Aster is fine." She lied. I know she's lying.
"Liar," I sobbed. "Hanggang kailan ka ba magsisinungaling sa akin?" Puno ng hinanakit kong tanong sa kaniya.
Naramdaman ko ang kamay niya sa aking palapulsuhan na marahang humahaplos kung saan damang-dama ang mga peklat na gawa ng matalim na bagay.
"Sorry." Hingi niya ng ng paumanhin at yumuko. "Pero ipangako mo sa akin na hindi mo na ko gagayahin," dugtong niya.
Hindi ako sumagot dahil hindi ko maipapangako 'yan.
YOU ARE READING
A Rose for Heaven
General FictionIf there is one flower that could symbolize Heaven Baylon, it is a rose. Exquisite and thorned. Both are perfectly imperfect. She has heterochromia, a disorder in which blesses her with a unique beauty that leads her into a hellish world. She was bu...