Tulala lang akong nakatingin sa puting dingding. Paulit-ulit na tumutugtog ang boses ni Mama sa utak ko.
"Noong nagising ka bigla mo akong tinawag na Mommy at nag-iba rin iyong boses mo. You were acting completely different from yourself. You were freaking out a while ago because you said you wanted to play in the rain. And you wanted to eat gummy worms..."
Bakit hindi ko maalalang ginawa ko ang bagay na iyon? Kagaya noong nasa ibabaw na ako ng punong-kahoy at sa iba pang mga kababalaghan noong nasa Maynila pa kami.
"Tara na, Heaven?" sabi ni Mama.
Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at tumayo na para maglakad paalis. Ngayon ang pagka-discharge ko sa hospital. Nagtataka rin ako kung bakit nandito si Dome simula ng magising ako. He was always by my side, kahit anong hingin ko binibigay niya at kahit ang hindi ko rin hinihingi ay binibigay rin niya.
Kagaya nalang kanina. Parang hindi ako komportable sa puwesto ng hospital bed dahil masiyado itong mataas.
"Ako na," marahang sabi niya at ini-adjust ang hospital bed. "Are you comfortable now?" he asks while looking intently at me.
Marahan lamang akong tumango. Kaming dalawa lang ang narito dahil si Mama ay kinausap pa ng doctor. Hindi ko alam pero parang may kung anong kiliti akong naramdaman sa loob ng aking tiyan at ang medyo pag-init ng magkabila kong pisngi.
Para itago itong kakaibang sensasyon na nararamdaman ko nagpanggap nalang akong nanonood ng TV.
Saktong pag-on ng TV mga taong nagri-wrestling agad ang bumungad sa'king paningin at iwan ko ba parang bumigat ang paghinga ko. Gusto ko mang ilipat sa ibang channel pero hindi ko magawa. But suddenly the scene vanished in my eyes and replace by Dome's calloused hand.
Sunod kong napansin ay ang paglipat niya sa channel at kaniyang pagkanta kasabay ng mga Disney characters.
"I can show you the world, shining shimmering splended."
Nagtagpo ang aming paningin at agad akong nag-iwas ng titig dahil hindi ko kayang titigan siya ng matagal.
Nakatuon na lamang ako sa TV sa harapan kahit wala roon ang pokus ng diwa ko kundi sa boses ni Dome. Sa takot na baka marinig niya ang mga naglalakasang kabog ng puso ko ay pinulot ko ang remote control para mag-add ng volume pero agad rin niyang kinuha iyon sa kamay ko.
"Ako na baka mabinat ka," aniya parang tanga lang.
Kahit nga tumitingin lang ako sa orange ay pinagbabalatan niya ako kahit wala naman akong sinasabi. He's very attentive to me at sobrang OA niyang mag-alaga kulang nalang siya iyong ngumuya ng pagkain para sa'kin. Hindi ako sigurado kong ganito ba ang mag-alaga o baka ako lang iyong nanibago sa atensiyong natatanggap ko.
"Heaven?" A voice dragged me out from my deep reverie.
"H-Huh?"
"Are you okay?" Mama asked me.
Since I woke up, I see some changes in my mother's actions. Parang nag-aalangan siyang tawagin akong anak. Palagi rin niya akong tinatanong sa mga nararamdaman ko at sa mga tumatakbo sa isip ko. At palagi rin siyang na'sa tabi ko.
Tumango ako bilang sagot at hindi na nagsalita. Aminin ko sobra akong nahihiya sa mga pinagsasabi ko noong gabing iyon dahil sa mga naging dulot nito kay Mama. She seems uncomfortable every second and I know it's my fault.
Sakto rin na biglang dumating si Dome sa loob ng kotse may dalang disposable tupperware na napupuno ng puto kutsenta. Bigla akong natakam at parang nagdiwang ang langit ng inabot niya sa'kin iyon.
YOU ARE READING
A Rose for Heaven
General FictionIf there is one flower that could symbolize Heaven Baylon, it is a rose. Exquisite and thorned. Both are perfectly imperfect. She has heterochromia, a disorder in which blesses her with a unique beauty that leads her into a hellish world. She was bu...