Chapter 7: Confrontation

1 2 0
                                    

"Y-You want me to speak up?" Tanong ko sa mahinang boses habang ang mga luha ay sumisilip na sa sulok ng aking mga mata. "Why? Will you hear me o-out?"

"Oo, dahil hindi kita maintindihan! I am trying to make it up to you, Heaven!" Naiiyak na sigaw ni Mama na nagpapahirap sa aking paghinga.

"You are trying but it is too late wala na si Aster," sabi ko at sunod sunod nang magsilaglagan ang mga luha ko. 

"A-Alam mo ba iyong nangyayari sa'min ng kapatid ko? Alam niyo bang takot kami kapag umaga?" Nagsimula nang magsilabasan ang mga hikbing palagi kong kinukulong at ang mga luhang labis na rinerendahan.

Halatang nagulat si Mama sa biglaang pagsabog ko.

"Kasi b-bubungad sa'min iyong sigawan niyo ni Papa, iyong mga tunog ng mga nagbabasagang gamit dahil sa p-pag-aaway niyo," sabi ko sa kalagitnaan ng aking mga hikbi.

Mas lalong sumikip ang puso ko nang maalala ang mga masasakit na nangyari sa'min ni Aster.

"I-Iyong kapitbahay natin na galit na galit sa'min dahil salot raw kaming dalawa. Sinisisi kami sa away niyo kasi kami n-naman daw talaga a-ang malas sa r-relasyon niyong dalawa." Napahikbi si Mama at kitang-kita ko ang mga pagsisising bumalatay sa kaniyang mukha. 

"I-I'm sorry," she said the moment her knees fell down the floor.

I sat down adjacent to my mother because I can't bare seeing her kneeling infront of me. It's adding salt on my fresh wounds.

"K-Kapag naglalakad kami si daan nasa baba lang iyong tingin namin hanggang sa makarating kami sa school. P-Pero akala mo ba tapos na don? Hindi pa po kasi  iyong mga schoolmates namin, tingin nila sa'min punching bag, labasan ng frustrations at galit nila sa buhay pero tinitiis namin kasi doon lang namin nararamdaman na may iba pa kaming magagawa bukod sa maging punching bag lang.  At iyong kinikimkim naming sama ng loob ni Papa dahil harap-harapan niya tayong niloloko. She's dating your best friend at ang sakit, Ma. Sobra kaming nasasaktan ni Aster." 

"N-No, I'm sorry." My mother tried to get a hold of my trembling hand but I just shook my head.

"L-Lahat ng iyon, Ma, kinimkim lang n-namin. Alam mo iyong p-pakiramdam?" Halos hindi na ako makasalita dahil sa mga hikbi.

"Sobrang sikip dito," sabi ko habang nakaturo sa  dibdib. "It feels like s-someone's stomping my chest, iyong parang hirap ka nang huminga dahil sa sakit, iyong kahit i-iyak mo ng todo hindi pa rin mawawala, iyong sobrang sikip na ng dibdib na nakakawala na ng lakas. N-Nakakaubos…"

"All those pain, imagine me... losing Aster!" I sob painfully. "I-Imagine me w-waking up in the m-morning facing the harsh world a-alone," pumiyok ang boses ko dahil sa biglaang pagtakas ng mga hikbi.

"Bakit hindi niyo sinabi s-sa'kin?"  Kitang-kita ang labis na pagsisisi sa mukha niya. "I am so sorry, Heaven. I am so s-sorry." Hinawakan ni Mama ang kamay ko at idinikit sa kaniyang noo.

But I am in too much pain. Binawi ko ang mga kamay at tumayo. Pumunta ako sa pinakadulong bahagi ng kuwarto. Linalabanan ang kagustuhang pag-pikit ng mga mata at magpaubaya nalang sa kadiliman.

"We tried! A lot of times! B-But you are too occupied by your own issues to even hear us out. Abala kayo sa pakikipag-away kay Papa at sa babae niya. Abala kayo sa restaurant. Abala kayo sa sarili niyo. Si Papa naman abala sa babae niya." Lahat ng tampo na nararamdaman namin ni Aster ay ibinuhos ko. "So tell me, paano niyo kami mabibigyang pansin kung abala kayo sa sarili niyong mga buhay? Sa birthday ni Aster nag-aaway kayo, kung nakinig lang siguro kayo sa'kin  baka buhay pa ang kapatid ko. Baka may magawa pa siguro tayo." 

A Rose for HeavenWhere stories live. Discover now