"Teacher!"Mula sa bintana ay kita ko ang pangyayari mula sa loob ng isang silid-aralan.
"Yes?" A teacher responded, smiling to her student. Her mismatched eyes were shining in bliss.
I remember the first time I saw her.
She was crying infront of the mango tree. Gusto ko sana siyang lapitan pero pinigilan ko ang sarili ko.
At dahil wala akong ibang magawa, I stay there and close my eyes.
Lord, sana kung ano man ang pinagdaraanan niya ngayon ay malagpasan niya. I hope those tears will turn into a smile in the future.
Maya-maya lang ay makatulog na siya pero nagulat ako ng bigla na lamang siyang nagising at umakyat sa pinakamatayog na bahagi ng punong mangga at maya-maya lang ay biglang sumigaw.
Dahil sa taranta ko ay agad akong naglakad patungo sa punong-kahoy. Ayokong isipin niya na masiyadong akong nag-aalala kaya nagpanggap akong galit.
Nang makita ko ang asul at itim niyang mga mata ay sobra akong namangha. Iilang mga tao lang may ganitong uri ng mata. She is unique.
That time, I learn she is Lola Beatrice's granddaughter. Sa araw ring iyon napansin ko na may kakaiba sa kaniya.
She is distant to people. She is kind but she's scared to communicate.
Sa ilang araw na pag-subaybay ko sa kaniya ay hindi ko namalayan na napadalas na pala ang pagpunta ko sa farm ni Lola Beatrice na ilang lakad lang ang layo mula sa mansiyon nito.
The first time we met each other's gaze I knew I was enchanted.
"Dome, napadalas na ata iyang pagpunta mo sa farm," ani ni Auntie Meera.
"Malapit na kasi ang harvest, Auntie." Rason ko.
Tinaasan niya ako ng kilay hindi naniniwala, "talaga bang mga bulaklak iyong gusto mong puntahan don? Balita ko dumating na daw iyong apo ni kapitana." She smirk at me teasingly. "Maganda raw."
Hindi ko alam pero bigla akong napangiti ng marinig iyon. Kaagad ko iyong iwinala sa isipan. I should focus on my goal and that is to have a farm someday.
But I am indeed enchanted by her beautiful mismatched eyes kasi nagising ako isang araw na lagi na akong nakasunod sa kaniya at sinusulyapan ang bawat galaw niya kinakabesa ang mga ekspresiyon ng mukha na minsan lang kung lumabas. At hindi ako makapaniwala sa sarili ko na labis akong natuwa ng malaman ko ang paborito niya.
"Lola, kung wala pong ibang makakasama kay, Heaven, puwede po ako." I inwardly curse myself for saying that, doon ko lang na realize nang mabitawan ko na ang mga salita.
Each day I live, I love making memories with her.
"Why are you smiling?" Heaven ask me as she was caressing her baby bump. Katatapos lang ng kaniyang klase. Linapitan ko siya at hinalikan sa noo.
"I love you more than my farm." Sinuntok niya ang tiyan ko at tumawa.
"Kung mas mahal mo ang farm mo kesa sa'kin at ni Aster asahan mo magliliyab na iyon bukas." Ako naman ang natawa sa sagot niya. Siyempre, mahal na mahal ko si Heaven at ang anak naming si Aster, heto pa ng'at may dadating pang bagong biyaya.
Hindi ko kayang mawala sila.
I remember the night when I went to her para bigyan siya ng puto kutsenta dahil napansin kong sobrang lungkot niya. Pero parang gumuho ang mundo ko ng marinig ko ang sigaw ng Mama niya.
She attempted to end herself. Sobrang akong takot noong araw na iyon. Hindi ko siya iniwan sa hospital, inalagaan ko siya habang naka-coma siya. During those nights, lumalabas ako ng kuwarto niya para pumunta sa prayer room. There, I cried my fears to the Lord. I beg to Him to bring her back to us.
YOU ARE READING
A Rose for Heaven
General FictionIf there is one flower that could symbolize Heaven Baylon, it is a rose. Exquisite and thorned. Both are perfectly imperfect. She has heterochromia, a disorder in which blesses her with a unique beauty that leads her into a hellish world. She was bu...