Chapter 3: The Guilty

14 5 0
                                    

What's wrong with me? 

Hindi ko mapigilang magtaka sa mga nangyayari sa sarili ko. I feel stranger to my own body. 

Kunot noong tiningnan ko ang aking palapulsuhan na may nakabalot nang bandage. 

Alam kong hindi si Mama ang gumawa nito at sigurado rin akong hindi ako dahil hindi ko naman naalala na ginamot ko ang aking sarili. I am so perplexed to everything that happened to me. 

"Who are you?" I ask the reflection in the mirror. 

Hindi ako 'to. My hair is black not red. Hanggang sa beywang ko ang haba ng aking buhok hindi sa balikat. 

This isn't me. Anong nangyayari sa'kin? 

Kanina ang sabi ni Mama hindi raw siya nagpa-home service at akala niya ako ang naglinis ng bahay pero hindi ako! Nandito lang ako sa loob ng bahay na'to buong magdamag ngunit hindi ko alam kung sinong naglinis at kung sino ang nag-ayos. O baka ako pero nakalimutan ko lang-pero bakit makakalimutan ko? Hindi ko na alam anong nangyayari sa sarili ko, litong-lito na ako. 

"Take a deep breath," a voice came up to my mind.

Nagtatagis ang aking ngipin dahil sa labis na prustrasyon. Ano bang nangyayari sa'kin? Bakit may naririnig akong mga boses sa isipan ko? Bakit may mga pagbabago sa sarili ko na hindi ko alam kung paano nangyari?

I lost all my shit because of these unanswered questions in my head. Hindi ko namalayang pinagbabato ko na pala ang mga bagay na nahahawakan ko. I was crying and shouting as I wrecked everything in my room. Bakit ganito? Nababaliw na ba ako?. 

I feel frustrated.

Ngayon, naiintindihan ko na ang mga schoolmates ko, in order to release your frustrations kailangan mo ng isang bagay na sasalo but sadly kami iyong napili nilang pagbuntungan.

"Ilabas mo lang, Heaven." 

Mas lalong nagtagis ang ngipin ko dahil sa panibagong boses na naririnig. Mas lalong nag-apoy ang galit at bumagsik ang karahasang kumukuntrol sa katinuan ko. Hanggang sa aking naramdaman ang pagod na unti-unting lumulukob sa akin. And out of the blue, everything went black.

(Third Person POV)

Bahagyang nagulat si Almera sa mga kalat na bumungad sa kaniya. Mga basag na salamin at magulong kuwarto. Batid niyang kagagawan 'to ni Heaven dahil sa mga pinagdaraanan nito kaya hindi na lamang siya nagsayang ng oras at nagsimula ng linisin ang mga kalat. Halos tatlong oras siyang nagtrabaho sa kanilang kuwarto kaya nararamdaman na rin niya ang labis na pagkahapo dahil bukod sa paglilinis ay nagwala rin ang katawan kaya kailangan ng sapat na pahinga.

Ngunit bago siya natulog ay pinalitan niya muna ng panibagong bandage ang kanilang sugat para maiwasan ang impeksiyon.

Pumasok siya sa CR dahil naroon ang first aid kit ngunit nang mapadaan siya sa salamin ay nagsalubong ang kaniyang kilay nang makita ang bagong buhok. Parang pusporo lang.

Habang nagagamot si Almera ay hindi niya mapigilang maawa kay Heaven sobrang dami na nitong pinagdaraanan mula pa pagkabata. Kaya mangangako siya sa sarili niya na aalagaan niya ito at gagawin ang mga bagay na hindi nagagawa ng nanay nito. 

A Rose for HeavenWhere stories live. Discover now