Tulala ako buong biyahe habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Napapikit ako sa inis dahil sa kagagawan ng Zero na 'yon. He is such a pain in the ass!
Kanina when we were having a breakfast it was so damn awkward. Noong gabing iyon ay nagising ko pala si Mama because I was unconsciously voicing out the words in the notebook. At iyon, kinuwento niya sa'kin lahat nang nangyari. Halos hindi ako makatingin kay Lola nang mag-umaga.
She was ranting her fury towards Zero over our breakfast.
"Don't worry, Heaven, hindi sa'yo galit ang Lola mo." Maraming beses nang sinabi ni Mama sa'kin pero hindi ko pa'rin makuhang hindi mag-alala.
Tumango ako kahit pa nakakunot parin ang noo.
"You're thinking too much, anak." Mama caressed my hair gently.
"I can't help it." Sabi ko at tumingin sa labas.
Maya-maya lang ay inabot ni Mama sa'kin ang cellphone niya.
"Your Lola wants to talk to you," kaagad na bumahag ang buntot ko. Umiling ako sa kaniya at sumiksik sa upuan ko. But my mother urges me to accept the phone with a reassuring smile on her lips.
"Heaven, apo?" Rinig kong boses ni Lola sa kabilang linya dahilan para tanggapin ko iyong cellphone.
"P-Po?" Kinakabahan kong sagot.
"Apo, pagbalik mo pumasyal tayo sa plaza mamaya ha may liga ngayon." I pouted, alam kong sinasabi niya lang 'yan para iparamdam sa'king hindi siya galit.
"Hindi ka po galit s-sa'kin, La?" Nag-aalangang tanong ko. I know it might awakened her anger but I need word of affirmation.
Narinig ko siyang tumawa, "naku, apo! Huwag mong isipin iyon hindi sa'yo galit si Lola. Bakit ako magagalit e alam ko ang sitwasyon mo?"
Napangiti ako at guminhawa ang dibdib. "Anong oras po ba magsisimula ang liga?"
"Mamayang alas quatro ng hapon pa naman, apo." Sabi ni Lola sa galak na boses, "Teka lang, marunong ka ba mag-volleyball para ipalista kita sa SK natin."
Umiling ako kahit hindi naman niya ako nakikita. "No, po. Hindi ko alam mag-volleyball."
Our conversation went on. Nagkapaalaman na lang kami nang makarating kami sa clinic ni Doc Parker.
The place is white and just so clean in the eyes. Minimalist ang style at parang nakakarelax lang sa pakiramdam.
Nang makapasok na kami ng opisina ay bumungad sa amin ang magandang ngiti ni Doctor Parker sa'min.
"Hi, Heaven, you have such a unique pair of eyes. I'm envious!" Pag-puri ng doktora na hindi ko alam kung paano sagutin. "Do you remember me?"
"Yes, po, you are Doc. Parker," tugon ko.
Ngumiti siya sa'kin at umiling, "nah too long, call me Doc Chen para mas maiksi." Tumango na lamang ako kahit hindi ko alam kung anong connect ng Chen sa Parker niya.
Marahan siyang tumawa marahil ay nabasa ang isip ko, "Chen is my surname."
Napatango ako nang makita ang pangalan niya sa kaniyang lamesa. Her chinky eyes explains everything. She have a Chinese blood.
Bumaling siya kay Mama, "Ms. Flordeliza, I'm so glad that you really bring Heaven here in our clinic."
"Yes, doc. Especially now that we just witness an episode of dissociating in her yesterday." Sabi ni Mama at napatango naman si Doc Chen.
"Puwede mo bang ikuwento sa'kin ang detalye nun, Ms. Flordeliza?"
Ikinuwento nga ni Mama sa detalyadong paraan ang nangyari kahapon.
YOU ARE READING
A Rose for Heaven
General FictionIf there is one flower that could symbolize Heaven Baylon, it is a rose. Exquisite and thorned. Both are perfectly imperfect. She has heterochromia, a disorder in which blesses her with a unique beauty that leads her into a hellish world. She was bu...