Chapter I;

134 8 19
                                    

-Sophia-

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-Sophia-

"Mom! Alis na po ako"! Sigaw ko habang nagmamadaling isuot ang sapatos ko pang trabaho. Ilang segundo akong napatigil sa ginagawa at bahagyang nai-tabingi ang ulo nang may maalala.

Pakiramdam ko ay nangyari na rin dati ang eksenang 'to. Dejavù?

"Hindi ka ba muna mag a-almusal"? Rinig kong sigaw ni Mama mula sa kusina.

"Hindi na po! Loveyou"! Hindi ko na hinintay pang sumagot ang Nanay ko at nagmamadali nang lumabas ng bahay.

Patakbo kong tinahak ang daan patungo sa trabaho ko habang nakatingin sa relos na nakasukbit sa wrist ko. Napangiwi ako. "Haist! Yare na naman ako nito"! Inis na bulong ko sa sarili kasabay ng pag deretso sa daan ng paningin ko.

Sana lang at walang diablo ang sumanib ngayon sa boss ko.

Kasabay ng pagtayo ko sa gilid ng kalsada upang mag-abang ng bus na sasakyan papunta sa trabaho ko, ay ang pag-ihip naman ng hindi gano'n kahina, at hindi rin naman gano'n kalakas na hangin. Sakto lang upang magulo ang bangs ko.

Napatingin ako sa taas nang mapansin ko ang pagka-hulog ng mga dahon galing sa puno malapit sa kinatatayuan ko.

Sinalo ko ang isang dahon. Tinignan ko ito habang nakalapat sa palad ko. Napangiti ako kasabay ng pagtingala ko muli sa langit.

Sandali akong pumikit para damhin ang simoy ng hangin na marahang humahaplos sa mukha ko. "How are you, Love"? Nakangiting bulong ko sa sarili.

-Flashback-

*Almost 6 years ago*

"Mom! A-alis na po ako"! Sigaw ko habang nagmamadaling i-suot ang sapatos ko.

"Hindi ka ba muna mag a-almusal"?! Rinig kong sigaw ni Mama mula sa kusina.

"Hindi na po! Loveyou"! Hindi ko na hinintay pang makasagot ang Nanay ko, at nagmamadaling lumabas na ako ng bahay.

Patakbo akong pumunta sa kanto ng street namin at nagtago sa isang poste, para hintayin ang isang partikular na tao.

Napangiti ako ng makita ang pakay na nilalang. "Alis na po ako". Rinig kong paalam nito sa kung sino, bago isarado ang gate ng bahay nila.

Humarap ang lalaki sa dereksyon ko at nagsimulang maglakad. Umayos naman ako ng pagtayo ko kasabay nang pag-ayos ko rin sa buhok kong hindi naman gano'n kagulo.

Waiting for You [COMPLETED ✔️] - Under RevisionWhere stories live. Discover now