Chapter XXVII; Ending

33 4 0
                                    

-Sophia-

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-Sophia-

*Present Time*

Gabing-gabi na, pero narito pa rin ako sa harapan ng computer ko at tina-tapos ang documents na pinagawa sa akin ng diablo kong boss.

Malayo yata siyang kamag-anak ng diablong Kyle.

Napasandal ako sa swivel chair na kinau-upuan ko at ini-unat ang dalawang braso.

"Haist! Pahirap talaga sa buhay". Bulong ko at binaba ang bahagyang tumaas na blouse ko dahil sa pag-unat.

Sinave ko muna ang documents na ginawa ko bago in-email sa diablo kong boss pagkatapos. "Ewan ko na lang talaga kapag nagreklamo ka pa jan ulit". Bulong ko bago pindutin ang 'send' button.

Ilang beses niya ba itong pina-ulit ulit sa akin kahit na tama naman sa tingin ko ang pagkaka-gawa ko? Hindi ko alam kung trip niya lang ba ako pahirapan, o may gusto sa akin ang ugok.

Feelingera ako eh. Sa ganda ko ba namang ito...

Nang ma-sigurado kong naipadala ko na ang email sa diablo, sinarado ko na ang tab bago shinut-down ng tuluyan ang computer ko. Sinunod kong ligpitin ang mga gamit kong nag-kalat sa ibabaw ng desk ko. Kinuha ko ang bag ko pagkatapos, at isinukbit ito sa balikat ko, 'tsaka ako tuluyang tumayo.

Bago lumabas ng opisina, inilibot ko na muna ang paningin ko sa paligid upang siguraduhing naka-ayos lahat bago ako umuwi. Mahirap na, ano. Baka sa akin pa isisi ng diablo kapag nagka-problema dahil ako ang huling tumao rito. Pinatay ko ang lahat ng ilaw bago isarado ang pintong gawa sa salamin kasabay ng pag-lock ko nito.

"Uwi na po kayo, ma'am"? Tanong ni Kuya Jeff, guard ng buong building na ito pagkarating ko sa main floor ng kompanyang pinagt-trabahuhan ko.

Nginitian ko ito. "Opo. Ingat po kayo rito, ha. Baka multuhin kayo". Nat-tawang ani ko, na mahina ring ikina-tawa ni Kuya Jeff.

"Baka sila pa ang tumakbo sa akin, ma'am. Aba, sa gwapo ko ba namang ito"? Parehas kaming natawa.

Malayo kaya naming kamag-anak ang isang ito?

Muli, nagpaalam na ako ulit dito. Bago pa man ako makalapit sa main door ng floor na kinaro-roonan ko, napalingon ako muli kay Kuya Jeff nang tawagin ako nito.

"Po"? Taas ang dalawang kilay na tanong ko rito.

"Kanina pa may nagh-hintay sa iyong lalaki, ma'am".

Napakunot ang noo ko. "Sino po"? Tanong ko na ikinakibit-balikat niya lang.

"Hindi po nagpakilala". Dagdag niya pa.

Waiting for You [COMPLETED ✔️] - Under RevisionWhere stories live. Discover now