Chapter IX;

17 2 0
                                    

-Sophia-

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-Sophia-

"Y-Yohann". Tawag ko. Imbis na sumagot, pinukpok lang nito ang gilid ng ulo niya.

"Bautista, anong nangyayari sa'yo"? Rinig kong tanong ni Kyle, pero hindi ko ito pinansin. Nanatili lang ang paningin ko kay Yohann.

"I-It hurts"! Napapangiwing aniya ni Yohann.

"C-Calm down. Breath in, breath out". Ani ko.

Sa totoo lang, natataranta na ako, pero pinipilit ko lang na kumalma para sa kaniya.

"T-tawag ako ng tulong". Paalam ni Kyle.

Nai-dantay ni Yohann ang isang kamay niya sa lamesa at dahan-dahan na um-upong muli, habang ang isa naman, ay paulit-ulit na sinu-suntok sa ulo niya.

Hinawakan ko ang braso ni Yohann na ipinu-pukpok sa ulo niya. "It f-fucking... H-Hurts, Sophi".

Bigla itong natumba na buti, ay agad kong nasalo. Pinilit kong ipasan siya sa likod ko. Hindi ko na hinintay pa si Kyle, at lumabas na ng cafeteria habang nakapasan sa akin si Yohann.

Mabigat ang katawang lupa ko, pero mas nag-aalala ako para kay Yohann. Nagp-pasalamat na lang ako sa Esperitung sumanib sa akin ngayon para mabuhat ang isang 'to.

Patakbo kong tinahak ang kung saan man ang malapit na hospital sa kinaro-roonan namin.

"Please. Just bear with me, Love". Bulong ko.

Luma-labo unti-unti ang paningin ko dahil sa mga luha ko, pero patuloy pa rin ako sa pag-takbo.

Yohann...

"Follow me"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Follow me". Aniya ng Doctor pagka-labas niya ng kwarto ni Yohann.

Sinundan ko ito, at dumeretso kami sa isang silid na sa tingin ko, ay opisina niya.

"I'll just get straight to the point, Sophi". Aniya pagka-upo naming parehas.

Nai-pagsalikop ko ang mga kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng mga binti kong medyo nanginginig, at tumango.

"Yohann is okay for now. Tinurukan ko lang siya ng gamot na mak-katulong sa kaniya, pero-". Hindi natuloy ng Doctor ang sasabihin niya, nang may kung sino ang nag bukas ng pinto.

"Mrs. Bautista". Tawag ng Doctor. Sabay kaming tumayong dalawa para batiin ang nasabing tao.

Sandaling yumuko ang Mama ni Yohann sa akin, bago humarap sa Doctor. "How is my son"? Nag-aalalang tanong nito.

Sabay-sabay kaming umupong tatlo, bago muling nagsalita ang Doctor.

"Just like what I told to Sophi before you came in, Yohann is okay for now"... He cleared his throat as he speaks again. "... Tinurukan ko na siya ng i-ilang gamot na makakatulong sa kaniya sa ngayon".

"G-Galing pa ba ang anak ko, Doc"? Pigil ang iyak na tanong ng Mama ni Yohann.

"Mrs. Bautista. I'll just get straight to the point. There is only a little chance for Yohann's case. Masyado nang magiging kritikal kung o-operahan pa natin siya. For now, r-resetahan ko muna kayo ng mga gamot na pwedeng magpa-pigil sa pag-laki ng bukol". Sandali itong may kinuhang papel sa drawer ng table niya at nagsulat ng kung ano roon.

I-binigay ng Doctor ang papel sa Mama ni Yohann pagkatapos. "Asahan niyo nang malaki ang chance na maaaring maulit ang ganitong pangyayari sa mga susunod na pagk-kataon". Pagpapatuloy ng Doctor. Huminga siya ng malalim at deretsong tinignan ang taong nasa harapan ko. "In this situation, let's just believe in the miracle of the one from above".

Lumapit ako sa Mama ni Yohann at yinakap siya. Sa pagyakap ko sa kaniya, ay ang pag-hagulgol naman nito.

"Let's just enjoy the times we still have with Yohann". Ani ko. Marahan kong hinaplos ang braso ni Tita.

Gustong mag break down ng puso at katawan ko, pero hindi ko magawa, dahil kailangan kong tatagan ang loob ko para kay Yohann, at para na rin sa Nanay niya. Dahil kung may nasasaktan man dito, 'yon ay kung 'di si Tita.

Si Yohann na lang ang meron siya. Dahil katulad ko, ay wala na rin siyang Tatay. Ang pinagka-iba nga lang, ang Tatay ko, ay suma-kabilang bahay, samantalang ang sa kaniya, ay wala na... ng permanente.

Na-unang lumabas si Tita kaysa sa akin. Pinagbilinan pa kasi ako ng Doctor na hayaan ko na lang daw muna ang mga oras na kasama ko pa si Yohann. Huwag ko raw pilitin na maalala ako, dahil mas makakasama raw 'yon para kay Yohann.

Lantang gulay akong lumabas ng opisina ni Doc. Talo pa ang Zombie sa 'The Walking Dead' na naglakad ako papuntang kwarto ni Yohann.

Sa labas ng kwarto ni Yohann ay nakita ko si Kyle. Naka-upo sa isa sa mga silya sa may hallway, at tila ina-apoy-an ang pwetan dahil sa hindi niya malaman kung anong pwesto ng pag-upo ang gagawin niya.

Napangiti ako. Dahil kahit na panay siya pang-aaway kay Yohann, ay hindi pa rin maipagk-kailang nag-aalala pa rin siya para rito.

Tumayo ang Kyle nang mapansin niya ako. Nginitian ko siya.

"K-Kamusta? Si Bautista"? Nag-aalalang tanong nito nang makalapit sa akin.

Kumapit ako sa braso niya at niyaya siyang maupo dahil pakiramdam ko, ay umi-ikot na naman literal ang paligid ko.

"Ayos na si Yohann". Ani ko pagka-upo namin.

"A-Ano bang nangyari? May sakit ba siya"? Pabiro ko itong siniko sa braso para paga-anin ang loob.

"Kwento ko sa'yo next time, hmm"? Mahina akong natawa.

Napa-tingin kami parehas ni Kyle sa harapan nang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Yohann.

Nginitian ako ni Tita at sinabihan na pumasok na kami sa loob. "Bibili muna ako ng maka-kain natin". Dagdag pa nito at nagpati-una nang umalis.

Tumayo ako at handa na sanang humakbang, nang biglang mang-lambot ang mga tuhod ko kasabay ng pag dilim ng paningin ko. Ang pagtawag na lang ng kung sino sa pangalan ko ang huling pumasok sa sistema ko.

"Sophia"!

-TO BE CONTINUED-

Waiting for You [COMPLETED ✔️] - Under RevisionWhere stories live. Discover now