Chapter VI;

20 3 1
                                    

-Sophia-

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-Sophia-

"Sophi"! Tawag ng kung sino. Hindi ko ito pinansin at itinangala lang ang ulo ko. Sinalo ko gamit ng palad ang mainit na likidong tumutulo galing sa ilong ko.

Na-overwhelmed yata ang mga dugo ko dahil sa mga pandesal. Isip-isip ko.

"Shit! Nag-hubad lang ako, nag nose bleed ka na agad". Rinig kong usal ng Kyle habang akay-akay ako pabalik ng lobby.

"O-Okay lang ako". Pilit na sambit ko habang nakatingala pa rin at salo-salo ng palad ang dugo galing sa ilong ko.

Magsasalita pa sana ang Kyle, nang may kung sino ang humawak sa balikat ko at pilit akong ini-harap sa kaniya. "What happened? Ang dami mong dugo"! Aniya.

"O-Okay lang-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko, nang sapilitang hinila ng Yohann ang kaliwa kong kamay.

"And here comes the main lead". Rinig ko pang komento ni Kyle.

"Give me some kit for"... Hinila muna ako ng Yohann bago nagpatuloy sa pags-salita. "...this stupid girl".

Hindi makapaniwalang natawa ako na agad ding natigil, nang lalong lumabas ang dugo sa ilong ko. "Shit". Bulong ko.

Napatingin sa akin ang Yohann. "Tsk. Stupid indeed". Bulong nito at muli akong hinila papunta sa mga upuan dito sa lobby.

"Ano bang nangyari rito? Ang tanga mo naman kung nasubsob ka sa edad mong 'yan". Pangl-lait pa niya.

Nahawa ba ang isang 'to sa Esperitu ni Lucifer na galing sa talipandas na Kyle at lait na lait niya ako ngayon? Isip-isip ko.

"E-Excuse me. Maganda lang ako, pero hindi ako s-shunga-shunga". Tila ngo-ngong sagot ko.

"Oh really? So, what happened then"?

S-sagot na sana ako, pero dumating na ang isang babae. "Ito na po sir". Ani nito. Hindi siya sinagot ng Yohann at kinuha ang kit na dala ng babae.

Takang tinignan ng Yohann ang babae nang ma-buksan niya ang kit. "Para saan ito? Eh para lang sa mga nasugatan ang mga ito"?

"S-Sir-"

"I-kuha mo ako ng ice pack pati malinis na bimpo". Hindi na sumagot ang babae at muling nagbalik sa pinanggalingan. Nakita ko pang napa-iling ito. "Ikaw"! Baling sa akin ng 2.0 na Lucifer.

Medyo napa-iktad pa ako sa biglaang pagsigaw ng katabi ko. "A-Ano ako"?

Lapitin yata ako ng mga diablo...

"Bakit ka nakatingala"? Tanong nito.

"Eh diba ganito naman talaga d-dapat"?

Nagulat ako ng sapilitan niyang ini-yuko ang ulo ko at sinalo ang sunod-sunod na pag-tulo ng dugo galing dito. "A-ano bang gi-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko, nang marahan niyang pisilin ang isang butas ng ilong ko. Napangiwi ako.

Waiting for You [COMPLETED ✔️] - Under RevisionWhere stories live. Discover now