Chapter XX;

14 2 2
                                    

❗WARNING 🔞❗

This chapter contains rated R🔞 scenes. If you're not 20 above, please skip this part.

Kamsahamnida~

Kamsahamnida~

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-Sophia-

"Tingin mo ba... Kaya mo na ng wala ako"? Tanong ng Yohann.

Sandali akong hindi nakasagot. "B-Bakit mo naman biglang natanong 'yan"?

"I just want to know". Napanguso ako. "Para at least, matatahimik agad ang kaluluwa ko. Malay mo multuhin pa kita eh". Mahina itong natawa. Tumigil lang siya nang mapansin na hindi ako tumawa. Napabuntong hininga ito. "Love. Mangyayari at mangyayari pa rin ang mga bagay-bagay, gustuhin man natin, o hindi". Aniya.

Tinanggal ko ang mga kamay niyang nakahawak sa akin. Tinalikuran ko ito at naglakad pabalik sa pinuntahan naming bahay kanina. Wala akong pamasahe, ano. Bahala na kung medyo malayo.

Pero napatigil ako nang marinig ang susunod niyang sabihin.

"Kung alam mo lang kung ga-ano ko gustong mabuhay. Kung ga-ano ko gustong makasama kang makamit ang mga pangarap natin... Kung ga-ano ko gustong makasama at ma-alagaan pa si Mom. Kung ga-ano ko ka-gustong magkaroon ng pamilya kasama ka... Gustong-gusto ko, Sophia".

Hindi ko na napigilan pang lumandas ang mga luha ko sa pisngi ko. Tahimik akong umiiyak na muling humarap sa kaniya. Dahan-dahan kong ini-hakbang ang mga binti ko, hanggang sa patakbo akong muling lumapit kay Yohann at niyakap siya.

Paluhod kaming bumaksak sa buhanginan habang nakapulupot ang mga braso ko sa batok niya, at nasa leeg niya ang mukha ko.

"I'm sorry. Dapat nakinig ako sa'yo noon. Dapat nakinig ako sa'yong magpa-check up. Sana hindi lumala 'to. Sana matagal ko pa kayong maka-kasama ni Mom. Sana-"

"Shh! Don't say that". Kumalas ako sa pagkaka-yakap sa kaniya at ikinulong ang dalawang pisngi niya sa mga palad ko. "Let's just enjoy the days we're together, hmm"?

Umiling ito ng paulit-ulit habang humahagulgol. Wala akong ibang nagawa kundi ang yakapin lang siya. Nasasaktan akong darating ang araw na iiwan niya na ako... Kami. Pero mas nasasaktan akong makita siyang ganito.

Kung kaya ko lang sanang baguhin ang naka-takdang mangyayari. Kung kaya ko lang sanang ibalik ang panahon, kakaladkarin ko na lang siya papuntang hospital para hindi na mangyari ang ngayon.

Halos kalahating oras na gano'n lang ang ayos namin, bago naming napag-desisyunan na bumalik sa maliit na bahay.

Papasok na sana ako sa magiging kwarto namin, nang magulat akong bigla niyang ini-harap ako sa kaniya. Sa pag-harap ko sa kaniya, ay ang paglapat naman ng labi niya sa labi ko.

Waiting for You [COMPLETED ✔️] - Under RevisionWhere stories live. Discover now