Chapter X;

18 2 0
                                    

-Sophia-

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-Sophia-

Nagising ako sa kadahilanang tila ako nakipag-basag ulo ng ilang beses sa kanto.

Oras na yata para mag-hiwalay ang katawan ko sa gitna.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto, at gano'n na lang ang gulat ko dahil sa taong naka-upo sa tabi ng hini-higaan kong kama.

Dali-dali akong bumangon, na agad ko ring pinags-sihan. Napangiwi ako.

Dapat ko na talagang tanungin si Mama kung may lahi ba kami ng manananggal.

"Careful". Napakagat ako sa ibabang labi ko habang ina-alalayan ako ni Yohann na umupo.

"B-Bakit ka nandito"? Nakita kong napakunot ang noo niya. "I-I mean, naka-admit ka rin, diba? Bakit ka nandito"?

Pinagmasdan ko itong bumalik ng upo sa silyang kinau-upuan niyang malapit sa akin. Pinaghalukipkip nito ang mga braso sa tapat ng dibdib niya at tinignan ako.

Dapat na ba akong kabahan sa tinginan niya? Isip-isip ko.

"Kahapon din ako dinis-charge". Seryosong aniya.

"Ah. Kahapon... Teka. Kahapon"?

"Umm. Isang buong araw kang tulog".

Ha? Ano, na coma ako ng hindi ko alam? Isip-isip ko. Napakunot ang noo ko kasabay ng pagkagat ko sa ibabang bahagi ng labi ko.

Alam kaya ni Mama? May bahay pa kaya akong u-uwian? Isip-isip ko.

Ang huling natatandaan ko, bigla na lang akong natumba. Pagkatapos no'n, nag dilim na ang paningin ko. Tapos...

Tapos...

Tinignan ko ang lalaking nasa gilid ko. "Si Kyle? Nasaan"?

"He buys some foods". Sagot niya na ikina-tango ko.

Ilang minuto kaming binalot ng katahimikan. Pabor sana sa akin, kaso, kita ko sa peripheral vision ko na nakatitig lang sa akin ang Yohann.

Ngayon na yata ako malulusaw.

"Why did you do that"? Rinig kong sambit ni Yohann.

Takang akong napatingin sa kaniya. Nananatiling seryoso pa rin ang mukha nito. "A-Ang alin"? Tanong ko.

"Why did you help me kung masama naman pala ang pakiramdam mo"? Magsasalita na sana ako, pero agad niya itong pinutol. "Kung naa-awa ka lang sa kalagayan ko, please don't. I don't need your pity".

Waiting for You [COMPLETED ✔️] - Under RevisionWhere stories live. Discover now