-Sophia-
*Kinabukasan*
"Pasok na po ako"~ Walang ganang paalam ko.
Kung noong mga nakaraang araw ay nagmamadali ako sa pags-sapatos, ngayon ay tila lantang gulay akong isinuot ang mga ito.
"Dadalhin na ba kita sa mental, anak"? Rinig ko tanong ng Nanay ko.
"Yes please. Pakicheck-up na rin po ang sawi kong puso". Narinig ko siyang naglakad papalapit sa akin, pero nanatili pa rin akong tulala. "A-aray naman"! Reklamo ko nang maramdaman ang konyat niya.
Napaka-amazona! Isip-isip ko.
"Mga kabataan talaga". Napapa-iling na aniya.
"Ay wow, Mama. Hindi ka dumaan sa pagkabagets"?
"Excuse me, hindi ako naging tanga katulad mo, ano".
Automatic namang nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pag-hawak ko sa dibdib ko. "Lagi mo na lang akong sinasaktan. Para namang hindi mo 'ko pamilya". Ma-dramang ani ko.
"Sipain pa kita jan". Madrama kong ini-awang ang bibig ko at lalong napa-hawak sa dibdib ko, na mahinang ikina-tawa ni Mama.
Mapang-husga ko siyang tinignan. "Ma, gusto mo po ba, ikaw unahin kong dalhin sa mental"? Tanong ko.
"Aba't-"
"Joke lang"! Sigaw ko sabay labas ng bahay. Tumakbo ako papunta ng kanto. Sandali akong humawak sa pader para habulin ang hininga.
Akala ko mapapa-aga ang buhay ko. Isip-isip ko.
"Uma-ano ka riyan"? Tanong ng kung sino.
Napa-angat ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko habang nasa magka-bilaang bulsa ng pants niya ang dalawang kamay.
Sa pagkakita ko sa kaniya, ay ang pagka-alala ko sa eksena kahapon.
Sa ngalan ng nag-aalab kong pag-ibig sa iyo, kakalimutan ko ang kahapon! Isip-isip ko.
"A-Ah. H-Hinahabol kasi ako ni Mama". Sabay tawa ko. Napailing na lang siya, at nagpati-unang maglakad.
Malalim akong napabuntong hininga bago siya sundan.
"Ah. Yohann". Pasimple ko itong sinulyapan.
YOU ARE READING
Waiting for You [COMPLETED ✔️] - Under Revision
Roman pour AdolescentsWhenever people ask me what I'm good at, I always give them one answer. "I'm always good at waiting". No matter how long it takes, or no matter how many times. But...How long do I have to wait?