Chapter XVIII;

9 2 0
                                    

-Sophia-

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-Sophia-

Lumipas ang mga araw, mga linggo, at isang buwan na hindi ako pinapansin ng Yohann. Hinahayaan ko na lang din para naman makahinga siya sa maganda kong mukha.

Baka masyadong na-overwhelmed sa kagandahan ko kaya madalas akong makalimutan. Isip-isip ko.

Mga mga araw na binabati niya si Kyle, at tinatanguan lang naman siya nitong isa. At ako? Ayon. Deadma pa rin ang beauty. Araw-araw din nagp-punta rito ang made of chinang jowa ng Yohann.

Katulad na lang ngayon... Na masaya silang nagl-lampungan sa may hallway.

Kailangan nakatapat pa talaga sa may bintana? Isip-isip ko.

"Da-dalhan na lang kita ng pagkain sa kulungan ha". Rinig kong bulong ng Kyle sa may tainga ko.

Dahil sa kilabot na naramdaman, napalayo ako at sinapok ko ang ulo nito. Sakto lang para mapangiwi ang diablo.

Pumasok ang dalawang malalantod na nilalang.

Umupo ang Yohann sa assigned seat niya habang nakatayo lang ang made of china sa harapan niya.

"So, I have to go. May p-puntahan pa kami ni Mom". Ani ng ahas na made of china.

"Hatid na kita". Patayo na sana ang Yohann, pero hinawakan ng malantod na babae ang balikat niya at sapilitang pina-upo ito ulit.

Matamis itong ngumiti. Yung tipong, ang sarap tahiin ng bibig niya. "No need. Kaya ko na".

"Are you sure"?

"Umm"! Tango nito.

Napabuntong hininga ang Yohann. "Okay then. Take care".

"Umm. Iloveyou, babe"! Ani ng ahas at hinalikan sa pisngi ang isa pang malantod.

Napa-irap ako. "Mangga-gaya na nga lang, mali-mali pa ng endearment. Tsk. Love kaya ang tawagan namin". Nakangusong bulong ko sa sarili.

Nakita ko sa peripheral vision kong lumabas na ang ahas sa classroom.

"Masakit ba"? Rinig kong tanong ng Kyle.

Matalim akong lumingon sa likuran ko. "Eh kung bigwasan kaya kita, tapos i-tanong ko sa'yo kung masakit ba"? Ani ko na ikinatawa lang ng damuho.

Bwisit na 'to.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Waiting for You [COMPLETED ✔️] - Under RevisionWhere stories live. Discover now