Chapter XII;

16 2 0
                                    

-Sophia-

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-Sophia-

Patakbo kong tinahak ang bahay nila Yohann. Kinakabahan at nai-iyak ako, pero nanatiling walang reaksyon ang mukha ko. Pakiramdam ko ay namanhid na ang buong katawan ko at napunta lahat ng senses ko sa puso ko. Literal.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay, ay agad kong nakita si Yohann na nakahandusay sa sala nila.

"Yohann"! Tawag ko sa kaniya kahit na alam kong hindi niya ako rinig.

Kasabay nang pag-upo ko sa tabi niya, ay ang paglagay ko ng ulo niya sa may lap ko at marahan na sinampal ang pisngi niya. "Love". Tawag kong muli.

"Tumawag na ang Tita mo ng ambulansya". Ani ni Mama nang makalapit sa akin.

"What happened"? Rinig kong sigaw ng kung sino.

Napatingin ako sa kaniya. At sa hindi ko malaman na kadahilanan, ang kaninang mga luha na hindi ko mai-labas habang papunta ako rito, ay nagsipag-unahang umagos sa magkabilaang pisngi ko pagkakita ko kay Kyle. "K-Kyle". Umiiyak na tawag ko rito.

Lumapit ito sa akin at marahang hinagod ang likod ko. "Everything's gonna be alright again". Pag-alo niya sa akin.

"Nasa labas na ang ambulansya"! Rinig kong sigaw ni Tita Ann.

Tumayo si Kyle mula sa tabi ko at pumunta sa harapan ko. Binuhat nito si Yohann pa-bridal style, at nagpati-unang lumabas ng bahay.

Malalim akong napahinga kasabay nang marahas kong pagpunas sa walang tigil na pag-agos ng mga luha ko sa mga pisngi ko, bago sila sinundan.

Ini-higa ni Kyle si Yohann sa stretcher pagkalabas namin. Deretso siyang isinakay ng mga nurse sa ambulansya pagkatapos.

"Ikaw na ang sumama, Ann". Ani ni Mama kay Tita. Tumango ito at sumakay sa loob ng ambulansya. Sumunod naman sa kaniya ang dalawang nurse.

"Mag commute na lang tayo". Ani ni Mama sa amin ni Kyle pagka-alis ng ambulansya. Niyakap ako ni Mama at doon ko itinuloy ang pag-iyak.

"Huwag na po. Kukunin ko lang ang kotse ko para 'yon na po ang gamitin natin". Ani ni Kyle.

Napatingin kami sa kaniya. "M-May kotse ka"? Sumi-singhot na tanong ko sa kaniya.

"Ngayon mo pa talaga i-tinanong 'yan, Sophia"? Sabay batok sa akin ni Mama pagka-alis ng Kyle.

Masakit na nga ang puso ko, sinasaktan pa ako ng Nanay ko. Someone, please fetch me here! So much hate.

Huminto ang isang kotseng puti sa harapan namin ni Mama pagkalipas ng ilang minuto. Binaba nito ang windshield sa may passenger's seat. "Hop in". Aniya.

Sa back seat sana ako u-upo, pero ipinagtulakan ako ng Nanay ko sa may passenger's seat. "Gusto kong masolo ang likod". Pagpapatuloy niya. Napanguso na lang ako na sumakay sa tabi ng Kyle.

Waiting for You [COMPLETED ✔️] - Under RevisionWhere stories live. Discover now