Chapter XXIV;

11 2 0
                                    

-Sophia-

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-Sophia-

*Kinabukasan*

Nagising ako dahil sa naramdamang pag dila ng kung sino.

Naniningkit ang mga mata kong dumilat kasabay ng pag usbong ng ngiti sa mga labi ko, nang makita ang kung sinong gumagawa no'n. "Good morning, baby". Bati ko rito at sandaling hinaplos ang ulunan niya.

Tumahol si So-Ann at muli akong dinilaan sa mukha, na ikinahagikgik ko.

Umayos ako ng upo kasabay nang pag tingin ko sa katabi ko.

Yumuko ako rito kasabay nang pag-ipit ko sa i-ilang strands ng buhok kong kumawala sa mukha ko, sa likuran ng tainga ko. Marahan kong hinalikan ang noo ni Yohann kasabay ng pag-himas ko sa ibabaw nang ulo niya katulad ng ginawa ko kay So-Ann kani-kanina lamang.

Unti-unting iminulat ni Yohann ang mga mata niyang ngumiti sa akin.

"Good morning, love".

"Good morning". Paos ang boses na aniya.

Lumapit si So-Ann kay Yohann. Katulad nang ginawa nito sa akin kanina, dinilaan niya rin ang mukha ni Yohann na mahina niyang ikina-tawa.

"Good morning to you too, little one". Ani ng Yohann.

B-bangon na sana ako, pero pinigilan ako ng Yohann. "Where are you going"? Aniya.

"Maglu-luto ng almusal".

"Sinong may sabi"?

"Ah? Ako"?

"Ako na magluluto. Magpahinga ka na lang dito".

Napangisi ako. "Masyado mo naman yata akong alagang-alaga".

Taka siyang tumingin sa akin habang sinusuot ang t-shirt. "Hindi ba masakit 'yan"? Sabay nguso niya sa bataan ko.

"H-Hindi".

Napangisi ito kasabay nang pag-arte niyang tila may ini-isip. "Mukhang kulang pa yata yung kagabi".

Kinuha ko ang unan sa tabi ko at ibinato sa kaniya. "Manyak"! Mahina lang itong natawa kasabay ng pagpulot niya ng unan. Ibinato muli ng talipandas ang unan sa kama bago lumabas ng tuluyan sa kwarto pagkatapos.

Napatingin ako sa So-Ann na kasalukuyang naka-upo sa ibabaw ng kama, at nakatingin sa akin.

"SPG". Ani ko. Itinabingi lang ng So-Ann ang ulo niya na ikinatawa ko.

Binuhat ko ito, at tumayo. Lumabas ako ng kwarto para magtungo ng kusina.

Na-abutan kong nagl-luto na ang Yohann, habang may suot ng Apron.

Waiting for You [COMPLETED ✔️] - Under RevisionWhere stories live. Discover now