Chapter IV;

27 4 2
                                    

-Sophia-

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-Sophia-

*Kinabukasan*

Kagaya ng nakasanayan... "Mom! A-alis na po ako"! Sigaw ko, habang nagm-madaling isinu-suot ang mga sapatos ko.

P-palabas na sana ako ng bahay nang may kung sino ang humila sa kwelyo ng uniform ko sa may bandang batok ko. "Hep! Saan ka pupunta"? Aniya.

Napa-ikot ko ang mga mata ko. "Duh. Sa schoo-... Aray ko naman"! Napahimas ako sa ibabaw ng ulo ko na tinuktukan ng Ina ko.

Ito si Mama nakakarami na sa pagtuktok sa akin. Kapag ako talaga na bobo pati sa academic eh...

"Duh-Duh ka jan. Duh-in kaya kita, gusto mo"?

Binitawan niya ang kwelyo ko kaya dahan-dahan akong humarap sa kaniya, habang may awkward na ngiti sa mga labi ko. Pinag-taasan niya ako ng isang kilay. "Haist! Mama naman. Alam kong ikaw ang pinaka-magandang Nanay na nakilala ko, pero late na po ako".

"Kahapon lang at umuwi ka ng nakabusangot. Ngayon naman ang hyper mo na ulit na tila walang nangyari. Kailangan na rin ba kitang dalhin sa Doctor katulad ni-"

"Mom"! Sigaw ko at sandaling pumikit, bago muling tignan ang Nanay ko.

"B-Bakit ka nan-nigaw"? Nap-pakurap na tanong nito, habang naka-hawak sa may bandang dibdib niya.

Malalim akong humugot ng hangin kasabay ng pagpikit ko panandalian, at  bago muling tinignan ang taong nasa harapan ko. "Please". 

"Tsk. Oo na, oo na. Mag-ingat ka".

"Umm". I nodded as I smiled at her. I open the door afterwards. Tuluyan akong lumabas ng bahay at napabuntong hiningang muli, bago tumakbo papunta sa kanto.

Huminga ako ng malalim at sandaling isinuklay ang mga daliri sa buhok ko, kasabay ng pagtango ko sa sarili. Dumeretso ako sa may poste at hinintay ang pakay na tao.

Panay tingin ako sa orasan na nakasukbit sa wrist ko dahil tatlong minuto na, wala pa ring Yohann ang lumalabas sa bahay nila.

"Nasaan na 'yon? Usually, ganitong oras lumalabas na 'yon ha"? Bulong ko sa sarili. "May nangyari kaya"?

Limang minuto pa ang hinintay ko bago ko napag-desisyunan na umalis doon, at dumeretso na ng school.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Waiting for You [COMPLETED ✔️] - Under RevisionWhere stories live. Discover now