Chapter XIII;

14 2 0
                                    

-Sophia-

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-Sophia-

Ilang linggo ang lumipas na gano'n lagi ang set up. Lagi akong sinusundo ng Kyle sa bahay, at pagkatapos, ay sabay naman naming dalawang sinusundo si Yohann sa kanila.

Sa mga linggong lumipas, napag-alaman kong mayaman pala ang pamilya ni Kyle.

Kaya pala may kotse ang loko.

Pagkatapos ng klase namin ngayong araw, ay inimbitahan niya kaming dalawa ni Yohann sa bahay nila.

"Gusto raw makilala nila Mom at Dad ang mga nakakasama ko ngayon kung BI ba sa akin". Ani ng Kyle. Tumingin ito sa akin na may ngiting asong naka-guhit sa kaniyang mga labi. "Diba, Sophi"? Dagdag pa nito.

Sinamaan ko naman siya ng tingin nang ma-realized ang gustong iparating. "Aba, sinasabi mo bang BI ako sa'yo"?

Ipinasok ng talipandas ang dalawang kamay sa magka-bilaang bulsa ng pantalon niya, at inosente akong tinignan. "Hmm. Ikaw ang may sabi niyan". Inis kong inambaan ang diablo.

Talagang lait na lait ang pagkatao ko sa barakudang 'to. Isip-isip ko.

Sabay kaming napatingin sa Yohann, nang idantay nito ang isang kamay sa ulo niya. Agad akong yumuko sa kaniya. "Masakit ba? Uminom ka na ba ng gamot mo"? Nag-aalalang tanong ko. Imbis na sumagot, iniling lang nito ang ulo niya.

Kinuha ko ang bag nitong nasa pagitan ng mga binti niya para hanapin ang gamot. Binuksan ko ang bawat gamot, at ibinigay sa kaniya. Sinunod ko ang bottled water pagkatapos.

Nang makabawi, lumabas na rin kami ng classroom.

Literal akong napanganga nang makita ang bahay ng Lucifer

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Literal akong napanganga nang makita ang bahay ng Lucifer.

Shala~

Waiting for You [COMPLETED ✔️] - Under RevisionWhere stories live. Discover now