Chapter XXVI;

15 4 1
                                    

(A/N; Try to listen sa song na nasa taas for more feelings). ~

-Sophia-

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-Sophia-

"Condolence, Mrs. Bautista". Rinig kong ani ng isa sa mga bisita. Hindi sumagot si Tita Ann at malungkot na ngumiti na lamang. bahagya siyang yumuko sa mga bisita.

"Sophi". Napalingon ako sa kung sinong tumawag sa akin. Sa pag-harap ko sa kaniya, ay ang pag-guhit naman ng isang malungkot na ngiti sa mga labi ko. "You want to eat"? Aniya.

Umiling ako. "Wala akong gana".

Niyaya ako ng Kyle sa labas ng bahay na pinagburulan namin kay Yohann. Pagka-labas, um-upo kami sa isa sa mga bench hindi kalayuan sa gusaling pinanggalingan.

"Hmm". Abot sa akin ni Kyle sa isang cup na may lamang kape.

"Thank you". Kinuha ko ito at bahagyang sumimsim dito.

Ilang minuto naming pinagmasdan ang mga taong nagdaraan bago ko naisipang magsalita.

"3 months ago, nalaman kong may cancer si Yohann. Meningioma Cancer to be exact". Nakita ko sa peripheral vision ko na napatingin siya sa akin, kaya muli akong nagpatuloy. "He's been experiencing the signs that time. I told him na magpa-check up na dahil halos araw-araw sumasakit na lang ang ulo nito. Kung hindi sasakit, bigla na lang siyang mahihimatay. Kaso hindi nakinig si Gago". Mahina akong natawa.

Ikinulong ko ang dalawang palad ko sa cup na hawak ko upang damahin ang init ng temperatura na galing dito.

"Like you, huh".

Tumango akong nakangiti. "Umm... Hanggang sa... Lumaki na ang tumor sa meninges niya".

"I still want to be with him. That's why, nagpaka-aso ako sa kaniya kahit na hindi na niya ako nata-tandaan pa". Dagdag ko pa.

"I'm sorry... For judging you, Sophi".

Marahan ko itong hinampas sa likod niya. "Haist! Kasama 'yon sa buhay, ano ka ba".

"I'm sure Yohann is happy".

Napangiti ako at tumango. "Umm". Kusang tumingala ang ulo ko para tumingin sa kalangitan.

I hope I made you happy, love.

Pagkatapos ubusin ang mga kape namin, napag-desisyunan naming bumalik na sa loob.

Ayokong nai-iwan mag-isa si Tita Ann kahit na nandoon pa si Mama. Pero kahit na gusto ko mang mag stay pa sa tabi niya ngayong araw, may na-alala akong bagay na kailangan ko pang gawin.

"Ah Kyle"? Tawag ko rito.

"Hmm"?

"Ikaw muna bahala kay So-Ann pati kela Tita, ha"?

Waiting for You [COMPLETED ✔️] - Under RevisionWhere stories live. Discover now