Chapter XVI;

14 2 0
                                    

-Sophia-

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-Sophia-

Lumipas ang mga araw na puro pag-iwas lang ang natatanggap ko mula sa talipandas na Yohann.

Ano kayang Esperitu ang nag possess sa ugok na 'to? Isip-isip ko, habang sinusundan ng tingin ang bawat kilos ng Yohann sa loob ng classroom.

Nawala lang ako sa focus dahil sa kung sinong diablo ang humila ng upuan ko pa-atras. Napasandal ang silya ko sa table na nasa likuran ko. "H-Hoy! M-Mahulog ako ha"! Ani ko habang tila na freeze ang buong katawan ko sa takot na baka sa isang mali ko lamang, ay humampas na pagm-mukha ko sa kung saan.

Sayang ang appeal ko!

'Wag kang gagalaw, Sophi! Mahuhulog ka sa maling tao!

"Nilayasan ka na ba ng Esperitu ng pagiging aso mo"? Bulong nito malapit sa tainga ko. Pakiramdam ko, lahat ng balahibo ko ay nagtaasan dahil sa hininga niyang dumampi sa may leeg ko.

Nangingisay kong ini-ayos ang upuan ko kasabay ng pag bitaw ng talipandas na Kyle.

Mas nakakakilabot pa sa diablo ang isang 'to!

"Oo! Kaya sana ay suma-iyo na rin". Ani ko ng ma-ayos ang pwesto.

"Excuse me. Never akong naging aso, ano".

"Ah, talaga ba, Kyle Lorenzo"?

"I'm too handsome to be a dog".

Literal akong napa-ubo. "Sa ganda kong 'to hindi ka nagh-habol"? Proud kong sambit, at nagpangalumbaba sa desk niya. Ilang beses ko pang ikinurap-kurap ang mga mata kong nakatingin sa kaniya.

Aba, mas hambog ako sa kaniya, ano. Duh~

"Never"!

"Ah. Kaya pala nag tapat, tapos-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang putulin na niya ito. Mahina akong natawa.

"Maghahabol na nga lang din ako, bakit doon pa sa nagpapaka-aso rin? Duh"~ Hinalukipkip nito ang mga braso niya sa tapat ng dibdib niya.

Tinaasan ko ito ng isang kilay. "Napaka-sama ng ugali mo sa akin, ano"?

"Oo naman. Matagal na". Aniya. Hindi makapaniwalang natawa ako.

 Hindi makapaniwalang natawa ako

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Waiting for You [COMPLETED ✔️] - Under RevisionWhere stories live. Discover now