Nakatulog ako sa panonood namin ni kuya ng movie kagabi. Nasa kalagitnaan na kami ng pangalawang movie ay nakatulog na ako. Nag-uusap rin kasi kami habang nanonood. Naramdaman ko na lang kagabi na binuhat ako ni kuya at dinala sa kwarto ko.
Pagkagising ko, naligo na muna ako sa banyo ng kwarto. Nagdamit ako ng isang red knitted sweater at gray sweatshorts. Lumabas ako ng kwarto at naabutan ang agahan sa dining area. Wala na naman ang kuya at siguro nagluto muna para sa akin bago umalis kung saan.
Habang kumakain ako, kausap ko si Galen sa phone. Naka-video call kami. Sinandal ko ang phone ko sa isang vase sa lamesa habang pinapanood ako ni Galen kumain.
"Kumain ka na ba?" I asked him.
"Oo, kanina pa. Mamaya nga may pakain dito dahil last day na. Sorry, mahal, kung medyo late reply ha? Ang hirap kasi ng signal dito eh." He pouted as I smiled at him. What a cutie.
"It's okay, busy din naman ako dito kay kuya. Mamayang gabi pa ako makakauwi."
"Nandiyan kuya mo? Parang wala ka ngang kasama diyan."
"He went somewhere. Maybe errands or what."
"Safe ba diyan na mag-isa ka?"
"Of course, trusted naman ang security rito. And kuya's a friend to the son of the owner so it's okay."
"Okay, ayaw ko lang mag-aalala sa misis ko."
Natigil ako sa pagsubo ng kutsarang may kanin at kinunutan ko siya ng noo sa screen. Nakita niya ang reaksyon ko at tinawanan lang ako!
"Mr. Santiago, you are requested to the main tent."
I heard someone from the background call him. He sighed and looked at me. I raised my brows at him, motioning him to go to the main tent but he only pouted at me!
"Go ahead. Text mo na lang ako."
He sighed. "Fine...I'll talk to you again if I get the free time."
"Sure. Go ka na."
"Bye, mahal. Ingat ka dyan. I love you." He immediately clicked the end call button before letting me have my response!
Namumula ang pisngi ko at nakanganga habang nakatingin sa phone ko sa harap. He said it to me! Hindi lang type! He. Said. It!
My heart felt like a race track competitor by how fast it beats. I can feel myself getting light headed by those three little words. I patted my chest where my heart is as if trying to calm it down but it can't! Mas lalo pa ngang lumala dahil paulit ulit ang sinabi ni Galen sa isip ko! Nakakabaliw na!
Uminom ako ng tubig at tumayo na para maghugas ng pinagkainan. Namumula pa rin ang pisngi ko at ang init pa rin sa pakiramdam. Parang lalagnatin pa nga ata ako!
Pagkatapos maghugas ay dumiretso na muna ako ng sala at nagbukas ng TV. Ang boring dahil wala si kuya at ako lang nandito! Akala ko ba bonding?!
Buti na lang nabawasan ang tampo ko dahil sa ganda ng pinanonood ko. Kumuha ako ng chips sa pantry at bumalik sa pinanood. Hindi ko na napansin na naglalakad na palapit sa akin si kuya, nakabalik na pala!
"Sam, bumili ako ng cake. Hiwain ko na ah? Tapos mag-abot ako sayo ng isang slice." I absentmindedly nodded at him at pinalayas na siya sa harap ko. I heard him chuckle before proceeding to the kitchen.
Naglapag na si kuya ng isang platito na may cake. Isang slice ng red velvet cake.
"Thanks, kuya."
He smiled and patted my head. "Matutulog na muna ako sa kwarto ah? Please wake me up for lunch. Feel free to use the kitchen again." Papaliit na ang boses ni kuya kaya bumaling ako sa kanya at nakitang paakyat na siya sa ikalawang palapag. Pinagkibit balikat ko na lang 'yon at pinagpatuloy ang panonood.
BINABASA MO ANG
Change of Fate
RomanceTranquil Series #1 [COMPLETED] ✧・゚: *✧・゚✧ tranquil (adj.) calm, serene, and peaceful. Will they really change the fate bestowed upon them? ✧・゚: *✧・゚✧ Started on: November 13, 2022 Ended on: December 18, 2022