Chapter 26

463 9 0
                                    

I uploaded a picture of him on my Instagram. Wala siyang reply sa akin kaya nag level up ang pagiging papansin ko!

I uploaded a picture of him that I snapped last weekend. Shirtless at naka pants lang siya habang nakadapa sa bean bag ko at kaharap niya ang bintana. Mataas ang sikat ng araw kaya tumatama 'yon sa likod niya, at nadepina ang kanyang muscle sa likod. Fuck!

@crimsonsamara two faves in one frame ☀️

I put my phone down to continue my work while smiling. Kilig na kilig ako ngayon dahil lang doon! Ayokong sisihin ang regla pero parang ganun na rin naman. My emotions right now were exposing how clingy I am to Valentin!

My phone rang. I saw that Misha is calling me. Binaba ko ang mga papel na hawak ulit at sinagot ang tawag.

"Problema mo?"

"Valentin is staying in your place?" I can hear the malice in her tone. I rolled my eyes.

"Nagstay lang naman siya noong weekend."

"Shirtless pa, huh!"

"Masyado kang malisyosa!" I laughed as I also felt my cheeks getting red. Tangina, kilig na kilig pa rin ako!

"May singsing na ba siyang binigay sayo?"

"Wala pa."

"Pa! So it means na mayroon? Oh my gosh!" I can hear her gushing voice on the other line. Tama na, Misha! Sasabog na ako dito!

"To follow daw." I said as I bit my lip.

I heard her scream on the other line. Ako na magsosorry sa mga naingayan niya kung nasaan siya! "Grabe! Kilig ako sa inyo!"

"Sa inyo rin." I teased her.

"Don't try to change the subject! When's the wedding?"

"Pauwiin na muna natin si Bella bago magplano." I laughed.

"Malapit na umuwi 'yon! Sabunutan natin bilang pagsalubong!"

"Magpapasundo ba 'yon?"

"I don't know. Sana! Because I miss that small bean of ours!" She giggled as I chuckled. Iyon kasi ang tawag namin kay Bella dahil parang baby na namin 'yon.

Pumasok ang secretary ko dahil may mga kailangan akong pirmahan for approval. Nagpaalam na ako kay Misha at sinabing sa susunod na lang niya ako istorbohin.

I can feel my secretary wanting to say something to me. I furrowed my eyebrows at her and she just smiled at me.

"May sasabihin ka ba, Desiree?" I asked her. I looked at her as I waited for her to say what's on her mind. She just gave me a small smile that shows she's hesitating on what to say or not to say.

"Uhm...Engineer Crimson, may nabasa kasi akong...ano...article." Tumawa siya nang alanganin.

Gusto ko na sana siya itama sa pagtawag sa akin ng miss pero pinigalan ko ang sarili ko. Misis kamo!

"About what? Reklamo ba about pharmaceuticals?"

"No!" Agap niya habang umiiling. "About sayo and kay Mr. Santiago." She added.

My lips parted. Umayos ako sa aking inuupuan at iminuwestra sa kanya ang upuan sa harap ng table ko. Umupo naman siya at humarap sa akin. "What's the content of the article?"

"Stolen pictures of the both of you. Marami raw nakakapagsabi na lagi kayong lumalabas para sa dinner dates. Pati po ang pagpunta niyo sa isang amusement park, nandoon!"

"May masama bang sinabi patungkol sa akin?" I asked her as I anticipated what she would say.

"Wala naman, Engineer. Sinabi lang naman doon na baka hindi na single si Mr. Santiago. He's off the market, sabi doon." Desiree laughed lightly. "Totoo po bang kayo?" She asked. Kung amo niya chismosa, paniguradong chismosa rin ang secretary.

Change of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon