Chapter 18

522 10 4
                                    

Wala akong masabi. Nandito na sa harap ko, hindi naman ako makapagsalita.

Nadala na ako ng emosyon ko kaya napamura na ako. She still looked at me like she couldn't believe it! This isn't how I want to tell her about it! Kaya putangina talaga!

I still remember how it happened like it was yesterday. I will admit that it haunts me every night knowing that I knew how it happened while she had no idea! Hindi ko na rin alam kung bakit hindi niya maalala!

"What time will you arrive here?" Kai, one of my friends, asked on the other line.

"Masyado ka namang excited. Nag-aayos na ako. Natagalan lang ako sa studio. Nag pre-recording na kasi kami ng part ko. 'Wag kang atat." I said as I packed my things in a duffel bag for Kai's birthday. Sa probinsya niya kasi balak mag-celebrate. Apparently, it's a big celebration knowing he's a renowned professional.

I heard his chuckle on the other line. "Make sure to be here on time. Guests are waiting for your arrival."

"Wala akong pakialam sa kanila. Pupunta ba si ano dyan?" I asked as I double checked the penthouse before going down to ride my car.

"Yes. To be honest, she's already here."

"Putangina naman, Kai. Bakit 'di mo sinabi? Edi sana kahapon nandyan na ako."

"Just be fast. My party will start later tonight. Ingat." He said as the line went dead.

Binilisan ko ang pag-drive ko, baka kanina pa naghihintay ang baby ko.

I dodged so many cars that time on the way to the province, muntikan pa ako umattend sa meet and greet ni San Pedro dahil sa bilis ng takbo ng sasakyan ko.

Nakarating na rin ako sa lugar kung saan gaganapin ang party para kay Kai. Nakita ko na marami na rin tao. Buti na lang maayos at pang party na rin ang outfit ko kaya hindi na ako magpapalit.

"Galen!"

I heard someone call me. Bumaling ako doon at sinalubong si Kai. Nag man hug kami at binati siya.

"Ano gusto mong regalo, pre? Pasensya na ah? Para kasing nasa iyo na ang lahat kaya 'di na ako nag atubiling magregalo sayo." I said as he gave me a bored look.

"Sanay na ako sayo. Tara, puntahan na natin bebe mo."

I swear, my heart did a somersault when I saw her. My ever so perfect Crimson Samara. She looks so beautiful as she talks to the people around her. They seem so invested with anything she says. I won't blame them for falling for her, though. I mean, ako nga hulog na hulog, sila pa kaya?

Siniko ako ni Kai nang nakita na natulala ako sa baby ko. Pinagtawanan ako ng mga kaibigan namin. Inirapan ko lang sila at kumuha ng inumin habang pinapanood pa rin si Crim.

The night went on. Tanaw ko pa rin si Crim habang nakikipag-usap siya sa mga tao. Please look here, baby.

The spin of the world stopped. People and their chitchats suddenly froze. Twinkling lights suddenly got brighter. Everything faded out as she set her eyes on me that night.

Hindi ko alam kung bakit ako patay na patay sa kanya. Pero I salute my puso for having good standards. I mean, look at her! She's my standard!

Nagkaroon ng inuman ang afterparty ng birthday ni Kai. Ang ibang mga matatanda ay umuwi na pero nagstay ang iba dahil feeling bagets pa sila.

Lumalim ang gabi at nagkakasayahan pa rin kami. Alam kong may tama na rin ako ng alak pero hindi ko hinahayaan 'yon maapektuhan ako dahil sumisilay pa rin ako sa baby ko.

Change of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon