Chapter 33

455 8 0
                                    

The next few days felt like a blur. I was busy with my work as he was also busy with his work. But aside from the differences in our work, the only thing we got busy with was me packing my things to live with him in his penthouse.

Tuwing gabi after ng dinner dates namin, pumupunta siya dito sa condo ko para tulungan ako mag impake ng gamit. Masyado ngang excited dahil bawat box na nasasara, ilalagay niya agad sa kotse niya para madala na sa penthouse niya. Kapag nakadalawang box na kami sa isang gabi, umuuwi na siya dahil may trabaho pa siya kinabukasan nang maaga.

Kahit maliit itong condo ko, ang dami ko pa ring gamit! Sa mga nakalipas na gabi, nakawalong malaking box na kami. Hindi pa kasama doon ang mga damit ko sa closet! Sabi ni Valentin na iwan na dito ang mga appliances at dalhin na lang ang mga furniture na importante sa akin. Kaso halos lahat ata importante sa akin!

I will miss this place so much. This has become my sanctuary ever since I started working. Ilang taon rin 'yon. Ibebenta na rin kasi ang unit na ito. Sabi nila mommy sila na bahala doon at magfocus na lang daw kami sa upcoming wedding namin.

Unang gabi pa lang nang pag iimpake, dinala na agad ni Valentin ang bean bag ko. Sinabi niya kasi na may lugar na akong pwede pagtambayan sa penthouse niya. Siniguro niyang katabi iyon ng salamin. Tenth floor lang ang condo ko pero top floor siya kaya paniguradong mas maganda ang view doon!

Tonight's the last night that I will sleep here. Bukas kasi ay weekend na at sa penthouse na ako ni Valentin titira. I don't even know what to feel when I realized we will be sharing a bed from now on!

Valentin made the decision for him to spend my final night here before leaving for work early the next morning. Nakarga na niya ang last two boxes sa kotse niya sa parking sa basement at ngayon ay nakahiga na kami sa kama ko. Nandito pa rin ang vanity and study table sa kwarto ko. Sabi kasi ni Valentin naka ready na ang mga girl things ko sa penthouse niya.

I was wearing my usual satin pajamas. He's wearing a shirt paired with his boxers. As usual, he's snuggling close to me. Imbis na ako ang nakapahinga sa dibdib niya, siya ang nasa dibdib ko! Yakap niya ako ng isang braso habang ang ulo ay nasa dibdib ko at nakasiksik ang mukha sa leeg ko. Ang kanyang binti na naman ay nakapatong sa akin. Halos mapisa na naman ako dahil halos nakapatong na siya sa akin.

Linta talaga 'to sa past life eh. Ang laking lalaki, ganito kadikit!

I may complain but I want him to be this clingy to me. Only to me.

Nakayakap sa batok niya ang isang braso ko dahil ginagamit ko ang phone ko. I decided to upload something on my Instagram account just to make everyone wild again. Ha!

@crimsonsamara forever sounds good with my valentine ♡

It was a picture of my hand raised, wearing the engagement ring. Valentin is in the background, cooking something, but he was blurred. The only focus of the picture is my hand.

I tagged him on the post, so his phone that was resting on my bedside table beeped. Hindi man lang kumilos si Valentin para tingnan kung ano 'yon. Halos mabalibag ko na siya.

"Hindi mo man lang titingnan kung ano 'yon?" Singhal ko.

"Baka iba 'yon. Paniguradong hindi ikaw 'yon dahil katabi naman kita." Bulong niya sa leeg ko.

"Nag post ako sa IG at naka tag ka."

"Sabi ko nga." Almost immediately, he got his phone to check the notification. He clicked the notification to see what I posted.

Valentin snorted. "Pogi ko naman dito, mahal."

"Buti nga sinama kita sa picture."

"Wow, parang napilitan pa."

Change of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon