Chapter 21

518 9 0
                                    

Nakalabas na kami ng store. Hawak ko na ang tatlong shopping bags, buti na lang hindi gaano kabigat para mabutas ang dulo nito. Naglalakad lakad kami, nasa unahan namin sila Misha at Kai habang nasa likod kami ni Galen. Sinasabayan niya ang paglalakad ko.

Bawat pagdampi sa akin ng kamay o balikat niya sa akin ay nakakapanghina. Lumalayo nga ako at binibilisan ang paglalakad dahil hindi ko kinakaya! Nakakahiya naman kung mahimatay ako dito dahil lang sa epekto niya sa akin!

Walang nagsasalita sa amin pero pansin ko ang panay na baling niya sa akin. May muntikan ngang bumangga sa akin habang naglalakad pero hinawakan niya ang braso ko at hinatak palayo. Binitawan rin niya agad ako pero ramdam pa rin ang init ng hawak niya sa akin.

I remained calm and collected as we walked, but my system is the opposite of that. He doesn't need to know that, though.

Ang hirap pigilan na hawakan o yakapin siya. There's still a nagging feeling in me that maybe he realized he didn't want me anymore because I'm a cheater. Maybe he realized that I am not wife material anymore for him. Kaya nahihiya pa rin ako sa presensya niya.

Lumingon sa amin sila Misha at Kai at tumigil sa paglalakad.

"Let's eat pancakes. Kai knows a place!" Misha said.

I frowned. "Gutom ka na naman?"

"Wow parang hindi siya laging gutom!"

Kai laughed and I heard Galen chuckled on my side. Tatawa tawa mo dyan?!

Umirap ako. "Fine. Lead the way."

Misha grinned then dragged Kai to continue walking.

Hindi pa rin kami nag uusap ng katabi ko pero panay tingin pa rin sa akin, tinatanya siguro ang mood ko.

Nakarating na kami sa pancake restaurant. Meron silang alfresco dining area kaya doon kami pupwesto. The ambiance of this place is so cute and gives a homey feeling to anyone who will eat here. The interior is all in white and pastel colors with little trinkets all around the place. There's even a spot on one side where you can take pictures with friends or family. The alfresco area outside is matted with fake lawn grass and their rattan seats and table spread all over the place.

Nauna nang mag order sila Misha sa loob kaya naiwan muna kami ni Galen para bantayan ang lamesa. Umupo na ako at umupo na rin siya. Since it's a round table, magkatabi pa kami!

"D-Do you w-want me to o-order for you-u?" Galen asked. Hindi ko na rin mapigilan sa sarili ko na tumingin na sa kanya.

He's looking at me already as he shyly smiles.

My heart is beating wildly as I look at him. I haven't seen him for days. Hindi rin ako nanonood ng tv or nagbubukas ng social media. Ngayon ko lang ulit siya nakita.

I just want to touch and hold him but the idea that he will reject me stops me from doing that.

"Sure. Ikaw na bahala." Iyon na lang ang sinabi ko sa kanya at binaling ang tingin sa ibang direksyon.

I heard him sighed. "Okay. I will be back."

Tumingin ako sa likod ng papalayong Galen na papasok na sa loob. I don't even know why I am tearing up right now. Am I longing for him?

Bumuntong hininga na lang ako at pinagdiskitahan ang cellphone. Nakabalik na sila Misha at nakasunod na sa kanila si Galen na bitbit ang mga naorder para sa amin.

I helped him put down the food on the tray. Kinuha ang dalawang cup ng milktea sa kanya at tinusok na ang straw roon. Kinuha ko na rin ang dalawang plate ng pancakes sa kanya. I accidentally held his hand as I was trying to get the platter of strawberry jam. Nagkatinginan kami pero nilapit niya pa lalo ang kamay niya sa akin making him touch one of my fingers!

Change of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon