Chapter 27

463 11 0
                                    

"Isa sa mga sikat na bachelor sa ating bansa, si Galen Santiago, ay 'di na daw single! Matapos na makita ng ating mga netizens ang pagkatamis na pagpapahayag nito sa social media sa isang tanyag na engineer ng isang sikat na kompanya, hindi na maitatanggi ng mga netizens na may namamagitan sa dalawa..."

Humigpit ang hawak ko sa remote control ng TV. Kakauwi ko lang at naisipang magbukas ng TV tapos ganito ang sasalubong sa akin! My gosh! Mommy, nasa TV ako!

"Kilala si Engineer Crimson Samara Vega na isang chemical engineer sa Optimum Pharmart Inc., isang sikat na kompanya sa bansa na nangunguna sa paglabas ng mga mataas na kalidad na mga gamot. Si Engineer Vega ay head ng pharmaceutical department ng nasabing kompanya..."

Oh gosh. At least they got it right!

"Ang dalawa ay 'di umanong nakikita na lumalabas para kumain at nasulyapan rin ng iba ang pagiging matamis nila sa isa't isa sa isang amusement park ng bansa. Kitang kita sa Instagram ang pagiging sweet ng news anchor sa kanyang kasintahan, na nagkaroon ng post na may caption na i miss my baby so much. Kilala ko 'tong si Galen, at nakatrabaho ko na rin. Ngayon ko lang nakita maging ganito 'to! Nakakatuwa tingnan!" Sabi ng isang matanda pero tanyag na news anchor. Nasa entertainment news na kasi at siya ang nagpapahayag ng tungkol sa amin ni Valentin!

"Maraming nabigo dahil kilala si Galen bilang youngest news anchor in the country, hindi rin maitatanggi ng lahat ang natatangi nitong kagwapuhan at kakisigan na nagpahumaling sa iba! Sorry, gays and ladies, taken na ang ating bachelor sa isang engineer!"

"Magbabalik ang Capital News para maghayag ng ibang pang mga istorya sa bansa..."

Nang nag commerial na, saka lang ako natauhan.

I expected this to happen. With Valentin, the famous news anchor, I know most people will be curious about him and about the people he's involved with. Naiintriga na nga siya agad kahit may kasama lang na babaeng artista! What more kung non showbiz ang na link sa kanya!

It's been four days since I last saw him. We kept in touch by texts and calls. Bumagyo kasi at naging malaki ang epekto ng bagyo doon sa probinsya kung nasaan siya. Tumutulong si Valentin doon, kasama ng mga kasamahan niya.

Ngayon, nandito na ako sa condo ko at nagpapahinga na lang bago matulog. Hinihintay ko na rin ang tawag ni Valentin. Tumunog ang phone ko at bahagyang nanlumo nang makita na hindi si Valentin ang tumatawag.

"Ano na naman problema mo?" Bungad ko kay Misha.

All I heard was her screams. Linayo ko sa akin ang phone dahil nakakarindi! Paniguradong mas nakakainis kung may kasama siya kung nasaan siya!

"Oh my gosh! My God! I got a famous bestie!" Sumigaw ulit siya. Umirap na lang ako sa kawalan at hinintay na kumalma siya.

"My gosh! I can't believe I saw your face on TV! On. TV! Wala talagang pangit sa ating tatlo ni Bella! My gosh!" Sumigaw ulit. Tiningnan ko na lang ang mga kuko ko habang naghihintay pa rin na kumalma ang misua.

"Okay..." She breathed out a sigh. "I'm calm now pero gosh!"

"Okay ka na?"

"Kinikilig pa rin ako pero I'm calm na!"

I rolled my eyes. "Bakit ka napatawag?"

"Wala lang. I just got excited by the news!"

"'Yun lang?"

"Anong 'yun lang?! We haven't seen each other for days because you're busy with your husband, tapos the next that I will hear from you is on TV! What kind of friend are you?"

Change of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon