Chapter 25

497 9 0
                                    

Nagpatuloy pa rin kami sa pag grocery. Hindi pa rin ako nilulubayan ni Galen sa pang aasar niya. Oo, may dalaw nga ako ngayon. Pero kapag nagpatuloy 'yan, hahambalusin ko na 'to.

Nandito kami sa hanay ng mga napkin at ibang feminine wash. Kahit sobrang awkward nito dahil kasama ko siya, pinagsawalang bahala ko na lang. Bahala siyang mailang!

Pero imbis na mailang, siya pa nga ang kumukuha ng napkin para sa akin!

"Kailangan mo na rin bang gumamit niyan?" Tanong ko. Hindi naman niya ako pinansin dahil busy siya sa kakabasa ng details ng isang pack na hawak niya. Kunot pa ang noo kaya seryosong nagbabasa.

"Nako, Valentin. Umamin ka na. Baka parehas pala tayong may puday." Dagdag ko.

He then looked at me with his eyebrows still furrowed. "Tinatagusan ka ba dito? Parang ang liit naman nito?"

"Panty liner 'yan, bobo!"

"Ah. Nagtaka pa ako kasi parang ang liit, hindi naman siguro masasalo 'yan buong ano mo." He laughed. Lumapit ako sa kanya para batukan siya. "Mahal, aray naman!"

"Deserve mo!"

"Hindi ka ba gumagamit nito? Para saan ba 'to?" Tanong niya at patuloy ang pagtingin doon sa hawak niya.

"'Wag ka na ngang magtanong. Wala ka namang pepe." Sabi ko at ako na ang kumuha ng napkin ko.

"Kapag may wings ba, lilipad 'yang ano mo?"

"What the hell, Valentin!"

"Seryosong tanong kasi!"

"Kaya may wings kasi dinidikit 'yan sa underwear para hindi ma-misplace kahit active ka! Mukha ba akong manananggal?!" Singhal ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako na napatingin na ang ibang kasama namin dito sa section na 'to.

"Ang ganda mo namang manananggal." Patuloy niyang pang aasar habang natatawa. Inirapan ko na lang siya at patuloy sa pagkuha ng napkin.

"Mahal, kuha ka ng marami para hindi ka na bumili ulit habang may dalaw ka." Sabi niya at siya na ang kumuha ng iba. "Sumasakit na ba 'yong ano sa tyan mo? Ano nga 'yon?"

"Puson." I said as I watched him put the packs of napkins onto our cart.

"Minsan kasi nakikita ko kapatid ko dati na dumadaing sa sakit. So, I assume ganoong sakit rin para sayo?"

I looked at and I saw how invested he is in this topic. Ang awkward! Hindi ako sanay magkwento ng mga ganito sa lalaki, pati na rin kay kuya! Yes, kuya may ask me about what I feel kapag may dalaw, pero that's a typical thing to ask for a doctor like him!

"Iba iba kasi ang level of pain tolerance ng mga babae kapag may dalaw. Masakit sa akin pero kaya ko naman at nakakakilos nang maayos. Masakit sa iba na ayaw na nila gumalaw at nakahiga na lang para ipagpahinga. Depende sa babae. Baka mababa ang pain tolerance level ni Brielle kaya napapadaing na lang siya sa sakit."

"And, that's how you feel monthly? The fuck!"

"Yup. I think part of the menstrual process ang pagsakit ng puson. The reason why girls with periods are always hot headed."

Lumapit siya sa akin at inakbayan ako. Hinalikan niya rin ang tuktok ng ulo ko kahit may mga tao kaming kasama dito!

"Parang ayoko nang umalis tuloy. Isang linggo pa naman." Buntong hininga niya.

"Kaya ko naman. Ilang taon ko nang dinadanas 'to. Pangit mo naman kung iniisip mo mahina ako." Simangot ko.

"Hindi naman sa ganon, mahal. Gusto ko lang naman alagaan ka, lalo na ngayon na may dalaw ka pa. Are you sure it's okay, hmm?" He asked, then pulled me much closer to him.

Change of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon