Another week went by without Daniel's presence. No texts, calls, or anything from him. Nasanay na lang ako at hinayaan na rin dahil naging busy sa trabaho.
But as I rested on a Sunday evening after a very stressful week, I received a text from him. Kinukumusta ako.
Daniel:
Hi, babe. Kumusta ka na? Sana kumain ka na sa tamang oras at 'wag masyadong magpakapagod sa trabaho. Tawag ako mamaya, nandito pa kasi sila Cindy sa bahay. Love you.
Hindi man lang nag-sorry sa pagkawala niya? Multo ba gusto maging trabaho nito? At talagang magkakasama na naman sila ng mga jowa niya sa bahay nila.
I came up with a decision. Nakakapagod mag-alaga ng isip bata. Mas bata ako sa kanya pero kung mag-isip akala mong pinapadede pa ng nanay.
Me:
Are you free now? Busy ako mamaya, may gagawin ako kaya hindi ka rin makakatawag. Bakit hindi pwedeng ngayon? Lumayo ka muna sa kanila.
I received a reply immediately.
Daniel:
Nagkakatuwaan pa kami eh. Nanonood ng movie tas food trip na rin. May importante ka bang sasabihin? Pwede naman sa text na lang.
Ah, ganon? Nagsusubuan siguro sila doon.
Me:
Let's end this. Whatever it is between us. Ayoko na.
I sent a text and didn't wait for his reply. Nilagay ko ang phone ko sa bulsa ng shorts na suot ko at nagsuot ng isang itim na sweatshirt at black bucket hat para mag-grocery malapit sa condo unit ko.
As a distraction once again, I bought all the needed food to stock up my pantry. Kaso delikado kasi hindi pa ako nakakakain ng hapunan kaya gutom ako at naparami ang bili. They said to never go to a grocery store if you're hungry. Every food you see will turn into a want instead of a need.
Hindi na ako nagulat sa presyo na nakita ko nung na-total na ng cashier lady yung mga binili ko. I handed her the money and waited for my change.
Tangina. Ang mahal na nga, ang bigat pa ng bubuhatin ko. Kahit isang eco bag lang 'yan, parang semento ang laman dahil sa bigat.
I can hear some old lady's litany already. Pagkadaming binili, hindi naman lahat kakainin o gagamitin! Ganyan ba tinuro namin sayo?! Matuto kang magtipid! Noong panahon nga namin—
Wala na rin akong choice kundi kunin ang bag at buhatin palabas ng grocery store. Mukhang tanga dahil gamit ko pa ang dalawang kamay at halos pa-ika-ika ang lakad. Nagmukhang bagong tuli tuloy ako.
Some even went to me to help me carry the bag but I declined and limp-walked faster. I reached the condo tower and immediately went to the elevator. Thank heavens, I'm alone. It stopped on the tenth floor.
Sa floor na ito, kinaladkad ko na lang ang eco bag sa sahig hanggang narating ang pintuan ng unit ko. May karton naman 'yon sa loob ng bag para maging protection ng mga nasa ilalim.
I tapped my keycard into the door scanner until it beeped, signaling it's open. Kinaladkad ko ulit ang eco bag at napasandal na lang sa pintuan pagkasara ko.
Titingnan ko sana kung anong oras na pero natigil dahil sa text ni Daniel.
Daniel:
Kung 'yan ang gusto mo, hindi kita pipigilan. Bahala ka na sa buhay mo.
Paulit-ulit ko binasa yung text habang nakasandal sa pintuan. Hindi niya talaga ako ipapaglaban? Hahayaan lang talagang umalis?
Hinagis ko ang cellphone ko sa sofa at tumingala na lang sa kisame. Ibang klaseng pagod at bigat ang nararamdaman ko.
Bakit ba ako na lang lagi ang umaayaw? Para sila ang magmukhang biktima dahil ako ang nang-iwan? Gusto rin naman nilang iwan ko sila, ako pa rin magmumukhang masama?
I cried myself inside the shower because of how tired I was. I shouted all my frustrations, not really caring if other tenants would hear me.
Hirap ko nga talagang mahalin siguro dahil ang dali nilang sukuan ako. Hindi talaga nila kaya magbago para maging deserving sa akin. Pero ang dali sa kanila.
One time this week, I scrolled through my Facebook timeline wherein I saw one of my exes, Phillip, the one before Daniel, got married. The funny thing is ilang araw lang noon pagtapos ng breakup namin ay nalaman kong girlfriend na niya noon ang bride niya ngayon.
Another funny thing, before Phillip, there's Isaiah. An ex from high school. It was an example of a typical puppy love, but I got hurt back then when we broke up. The same scenario happened. Three weeks after our breakup, he got a new girl. That girl became his wife and the mother of his children.
Am I a personification of a rehabilitation center? Hindi na ako magugulat kung magkakaroon agad ng bago si Daniel.
Kailangan nilang dumaan sa akin bago maging deserving sa mga bago nila. With that belief, that slowly suffocates and traumatizes me. Hindi na ako magiging enough para sa kanila.
May mali ba sa pagmamahal ko? Kulang pa ba ako? Am I really worth it to be loved?
I spent my time in the shower, pondering over the things that slowly crept up to my very being, making me scared to love.
Pagod na ako. Kapag may nagpahiwatig ulit sa akin ng nararamdaman nila, bago pa mangyari 'yon, iiwas na ako.
After the bath, I wrapped myself in a bathrobe before going to my closet inside my bedroom, but I stopped in my tracks as I saw the familiar wedding invitation.
I held it and sat on my bed. Ayokong biguin is Ma'am Amelia. Kailangan kong pumunta, ang babaw ng rason kapag hindi ako pupunta. Dahil lang sa inggit? Parang tanga.
I sighed before lying on the bed and stared at the ceiling. I eventually drifted into a deep slumber but was awakened by the sound of my phone ringing. It's Misha.
Sinagot ko na lang siya ng pabalang at minura dahil napakaaga kung tumawag. Mukhang mag-yayaya na naman ito.
I slept again and woke up again to prepare myself to work. Monday na naman.
I drove myself to work but in the middle of it, I got myself a call from my secretary. She was informing me about another drug testing this morning that I needed to oversee.
"Shit." I muttered because I almost forgot about that. I sped up until I got to the company on time. Another needed distraction for today. Fuck you, Daniel.
|🌙|
BINABASA MO ANG
Change of Fate
RomanceTranquil Series #1 [COMPLETED] ✧・゚: *✧・゚✧ tranquil (adj.) calm, serene, and peaceful. Will they really change the fate bestowed upon them? ✧・゚: *✧・゚✧ Started on: November 13, 2022 Ended on: December 18, 2022