Today's a weekend and Valentin stayed for breakfast. When I questioned him about his morning work, he replied that a pre-recorded version of his section for today's news was broadcasted rather than a live one. Kaya nandito ang mokong at pinagluluto ako ng breakfast habang pinapanood ko siya.
Hindi ko nga alam kung ano talaga pinapanood ko. Ang niluluto ba niya o ang kanyang pagiging shirtless habang nagluluto! Nakakapanghina makita kapag nag feflex ang muscles niya sa likod habang naghihiwa at naghahalo.
Mag hunos dili ka nga, Crimson!
Sinasaway ko sarili ko dahil nakakadistract siya! Asawa ko 'yan!
Bumalik na lang ako sa wisyo noong naglapag na siya ng mga plato pati na rin ng luto niya sa lamesa. Pinagtimpla niya rin ako ng kape tapos ay nilagyan ang plato ko. Pinapanood ko lang siya gawin iyon. Ngumingiti siya kapag nagsasalubong ang mga mata namin at hahalikan niya tuktok ng ulo ko bago ipagpatuloy ang ginagawa. Pagkatapos pagsilbihan ako, umupo na siya sa harap ko at naglagay ng pagkain sa plato niya.
"What are your plans for today?" He asked in the middle of our meal. Shirtless pa rin ang mokong at grabeng pagpipilit magsalita ang ginawa ko para lang masagot siya!
"Wala, dito lang ako. Maybe I will do the groceries later today." Sagot ko at tinusok ang hotdog bago isawsaw sa ketchup.
"Sama ako."
"Hindi pwede. Walang magbabantay ng condo ko."
"Mukha ba akong aso?"
"Malapit na." I said and looked at his frowning face. I chuckled then proceeded to eat. "Fine, you can come with me. Hindi na rin masama magkaroon ng alalay."
His face got brighter and he nodded earnestly, as if excited to do grocery shopping with me.
"I'm curious. Bakit ka pumatol doon sa Spaniel?" He then asked me. We were both sitting on my sofa as we watched a movie. Nakasandal ako sa kanya habang ang kamay niya ay naka akbay sa akin. I frowned.
"Paano mo nakilala 'yon?"
His lips parted to talk but no words came out. Tumikhim siya bago nagsalita. "Narinig ko lang."
"To answer your question, napansin ko siya dahil we had similarities and it was easy to get along with him, then."
He frowned. "Hindi mo talaga naalala ang kasal natin noong gabing 'yon?"
"I got busy with work, isama pa doon ang nangyaring insidente sa isang warehouse. Sobrang natabunan ako ng trabaho noon kaya naisip ko na lang na panaginip lang ang nangyari."
"Inisip mong panaginip lang dahil I'm the man of your dreams?" He asked cheekily while moving his eyebrows up and down. Mukhang tanga!
I rolled my eyes. "Gago. Inisip ko lang panaginip 'yon dahil parang imposibleng mangyari 'yon."
"Now, that dream touched reality. Kilig na kilig ka siguro ngayon?"
"Wala naman akong choice." I laughed.
We then decided to focus on the movie. He's caressing my shoulders, making my heart beat uncontrollably. He then kissed my head, making my system go wildly. He never fails to make me feel so many things with just simple movements.
This is what I want. A simple day with him beside me. Just us being together, doing nothing, is enough for me. I know he feels the same. Kahit umupo lang kami sa bangketa sa kalsada, okay lang dahil magkasama naman kami.
"You know..." He started. "The absence of a marriage license...could render our marriage invalid."
Umalis ako sa pagkasandal sa kanya at umupo nang maayos bago siya hinarap. I looked at him in confusion. "Where are you going with this?"
BINABASA MO ANG
Change of Fate
RomanceTranquil Series #1 [COMPLETED] ✧・゚: *✧・゚✧ tranquil (adj.) calm, serene, and peaceful. Will they really change the fate bestowed upon them? ✧・゚: *✧・゚✧ Started on: November 13, 2022 Ended on: December 18, 2022