Hibari's P.O.V.
Iniwan niya ako dto na wala man lang sinasabing salita. Dapat nga bang sumuko na ako? Kung hindi ko lang sana nagawa yun eh di sana nandun pa ren siya sa tabi ko tulad ng dati.
Dumeretso ako kay Angel susurpresahin ko siya. Isa akong mabait na kaibigan kaya gagawen ko yun.
Nakita ko siya sa main entrance ng cafe na gulat ang mukha? Alam na niya siguro. Pumunta ako sa likod niya tsaka ko siya binulungan.
"Long time no see my Angel..." bulong ko. Na naging dahilan ng kanyang pagharap sa sa aken. kitang kita ko ang reaksyon ng pagkagulat sa kanyang mukha na lubha kong ikinatuwa.
"Oh! bat nagulat ka? di mo ba ako inaasahan?" sabi ko sa kanya.
"Bat narito ka Hibari Anong kailangan mo?"
"Kararating ko pa nga lang pinapaalis mo na ako agad?"
"Wala ka nang kailangan pa dito....."
"Wag kang matakot wala nman akong gagaweng masama sayo. Nandito ako para sa normal na business sa'yo! My Angel"
"Well Hibari tapos na ako sa'yo Kung baga ang mga panahong nasa tabi mo ko ay tapos na."
"Sinabi ko bang bumalik ka? wala akong binabanggit tandaan mo yan. Nandito lang ako para mangamusta sa naging buhay mo ngaun."
"Nakikita mo nman hinde ba Hibari? Masaya na ako! Masaya na ako na wala na ako sa magulong mundong ginawa mo!"
"Magulo? Pero ginusto mo! tama ba ako?"
"Oo ginusto ko. Pero wag kang mag-alala d ko gugustuhin pang itaya ang buhay ko para lang dun. Minsan na akong nagpaloko sa simpeng kasiyahang ikaw mismo ang gumawa!"
"oo ako nga ang gumawa para sa mga tulad mo noon na naghahanap ng simpleng kasiyahan para takasan ang mundong minamahal mo ngaun"
"Yun ang napakalaking pagkakamaling nagawa ko Hibari.Tandaan mo yan. isang katangahan na pinagsisihan ko na ngaun."
"Pinagsisihan? wala ka dapat pinagsisihan kase ginusto mo yun! naging masaya ka dun di ba? Angel? pinasaya ka ng mundong ginawa ko."
Pinagtitinginan na kame ng mga tao marahil ay nagtataka sila sa mga pinagsasabi namen. Di ko sila masisisi medyo napapalakas na ren naman ang boses namen. At umiiyak na ren si Angel kaya mas pinili ko na umalis na lang.
Tapos na ang gusto kong sabihin sa kanya.tapos na ang munti kong surpresa munti kong Angel. Dumeretso ako sa kotse ko sa may parking ng mall. Nasobrahan ata ako sa mga sinabi ko! kung sa bagay atleast nasabi ko ang gusto kong sabihin.
Ginawa ko ang mundong un parasa mga katula nila. Pero di ko ren inaasahan na mabilis nila ung.pagsasawaan. Sumakay aako sa kotsebko at dumertso sa bahay wala na ako ibang maisip na puntahan kaya siguro dito muna ako sa bahay aat magpapakasaya sa alak aat sigarilyo.
Angel's P.O.V.
Lubha kong ikinagulat ang biglaang pagdating ni Hibari dito sa shop ko. Pano niya kaya nalaman na nandito ako. at aking ang shop na'to iba talaga ang kapit ni Hibari. Parang alam niya lahat bawat kilos ng mga taong matagal nang umalis sa kanya. Lumapit sa aken ang mga staff ng shop ko. at tinanong kung sino ang lalaking nakasagutan ko kanina lang. Wala akong masagot sa kanila kundi isang ngiti at nagpunta na sa aking opisina. Bahala na silang maghaka-haka sa mga nangyare.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko siya. Parang sa kaunting minuto ng sagutan namen nagbalik ang munting alala na matagal nang ibinaon ng puso ko sa lupa. Pero parang nahukay ko ule ito. Niyuko ko ang ulo ko upang makalimot di ko namalayang tumulo na pala ang luha sa mata ko. Di ko napigilan ang pagiyak ko. Ang muling maalala ang nakaraan ko. Nakaraang ako na mismo ang kusang lilimot.
"Ma'am may phone call po kayo galing daw po sa papa niyo" sabi ng isa sa mga staff ng shop ko. Lumuluha man ay hinarap ko siya at kinuha ang telepono sa kamay niya.
"Salamat" sabi ko sa kanya bago ko ilagay sa tenga ko ang telepono.
"Hello Pa?" pilit na pinapasaya ang boses ko.
"Anak! kelan ka ba ule bibisita dito sa ospital? Miss na Miss na kita!" sabi niya sa telepono.
"Pasensya na Pa! oo nga matagal na nung huli ako bumisita sayo! wag ka pong magalala pa! pagmay oras ako bibisita ako agad sayo jan sa ospital."
"Sige Anak! Pangako mo yan ah" sabe niya sa aken na tuwang-tuwa.
"Opo! Pa pangako!" sabe ko sa kana tsaka binaba ang tawag.
Napabuntong hininga ako tsaka inayos ang sarili. Di ko pedeng hayaan na muli akong guluhin ng nakaraan ko. Kailangan kong magmove-on dun.
A/N; Ikli ba? ako ren naiiklian haha XD kse ung next chappie d na related dun XD haha! sorry na po agad :D peace :D next chappie?? vote and comment :D
BINABASA MO ANG
ARRANGE MARRIAGE KAY MR.SUNGIT
Teen FictionMinsan ang inaakala nateng magiging simpleng buhay naten.Ay nababago na lang ng isang tao.Isang taong may mahal ng iba at ika'y tila alikabok lang sa kanyang mata...A former Street Racer Samantha knew she was arrange marriage by her classmate Kyle M...