chapter 8

96 3 0
                                    

Samantha's P.O.V

I coverd my face with my pillow..Naalala ko ang sinabi ko kanina about him choosing between Tita and Ellise.Di ko naman naranasan na mamili between sa taong mahal ko at sa pamilya ko.Pero kung ilalagay ko ang sarili ko sa sitwasyon niya.

"Hoy! Tulog ka na ba?"rinig kong pambubulabog niya

"Hmmm?prblema mo?"sagot kahit nakalagay sa mukha ko ang unan

"Inaantok ka na ba?"tanong niya

"Oo! baket ba?"iritang sagot ko

"Sige matulog ka na"


Nagising ako na ako lang ang tao sa loob ng kwarto, Wala si Kyle marahil pumasok na siya.

Pumunta ako sa terrace 8:30 na kaya may araw na.whooo a new day...

Bumababa na ako para makakain na ng agahan.

"yaya! Pancakes breakfast ko ha!"sabi ko sa kanya at umupo na sa upuan

"Sige po ma'am! Ayyy! ma'am oo nga po pala  ma'am sabi po ni sir Kyle sabay daw po kayong kumain ng agahan!"

Huh? Baliw ba yon? Sabay kaming kakain ng agahan?close ba kami?

"Ahh! Eh asaan po ba siya yaya?"tanong ko sa kanya

"May pupuntahan daw po sa kabilang subdivision "sagot niya. "

"kabilang subdivision? May kamag-anak kaya sila dun? pero sino?"

"Ahh! Sige po yaya lalabas lang po ako sandali!"paalam ko

"Eh! ma'am sabi po ng papa niyo wag daw po kayong lalabas ng walang kasama"

"yaya! ang daming tao sa subdivision tsaka may guard naman kaya na laging naglilibot jan sa loob ng subdivision at tska di naman po ako magtatagal.Di rin naman malalaman nina mama at papa kung walang magsasabi eh! Kaya wag ka nang mag-alala saglit lang po ako.Baka makasalubong ko pa si Kyle jan sa labas"

"Bahala ka na ma'am Sam! basta labas po kami jan ha!"

"oo yaya!"tas tumakbo na ako palabas >_< 


"Psst Saan ka pupunta?"isang pamilyar na boses ang narinig ko na nagpatigil sa akin sa paglabas ng gate

"huh?oh! hello anong ginagawa mo jan?"

"Ikaw saan ka pupunta? Tatakas ka no? pinakuha na ni tito yung kotse mo nasa pagawaan na"pagtataray niya.Pero goodnews naman yung sinabi niya kaya palampasin na naten.!!

"Ha? pinagsasabi mo porket palabas na ng bahay lalabas na agad? Di ba puedeng pagpapahangin lang jan!"pagpapalusot ko

"Eh? "

"Eh! Eh! mo mukha mo! galing ka sa subdivision nila Ellise  noh?"

"FYI Ms. Sue  di po pagmamaya-ari ng pamilya ng mahal ko yung buong subdivision.Dun lang po sila nakatira"

" Maka-MAHAL ka eh! binitiwan mo nga! Tanga mo Mr. Martinez! tsk! pamahal- mahal! ka pang alam! Tsk! naku dami mong alam!"pang-aasar ko sa kanya

*bleh*

Lalabas na sana ako ng gate ng bigla siang sumigaw

"Mag-ingat ka"

Ewan ko ba? it was the first time that i feel this kind of feeling! Too weird! so much weird! eiii!!!!!!!! >_<


Naglalakad ako sa buong subdivision wala pala yung cellphone ko sa bulsa ko malamang naiwan ko yun nung nagmadali na akong lumabas. Di ko namalayan na nasa park na pala ako. May alala ako sa lugar na'to na matagal ko nang di matandaan?. Na matagal ko nang gustong malaman kaso...parang ayaw ng puso ko...baka...baka masaktan lang naman ako..Mas mabuti pa sigurong ibaon na lang sa limot ang nakaraan kesa naman patuloy nating alamin ang bagay na alam nating sa dulo tayo rrin ang masasaktan.

Umupo ako sa isang bench ng park na yon.Tinignan ko ang kabuoan ng park. It was my magical place.This is the extention of my santuary... Nakakarelax..

"Masaya ba? Samantha?"isang boses ang narinig ko sa likuran ko. Boses na nagpabalik sa akin sa mundong ginagalawan ko noon. Ang mundong matagal ko nang ibinaon sa lupa.

"Hi..Hibari? a.anong g..ginagawa mo dito?" Bat ako kinakabahan ngayon? bakit?

"Kamusta na Sam? Na-miss mo ba si Hibari?" sabi niya habang umupo sa tabi ko. 

Nilalamig ako ngayon di ko maintindihan ang nararamdaman ko.Gusto kong tumakbo pero bakit parang napapako ang paa ko

"Baket? anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya. Pinilit kong di ipakita ang kabang nararamdaman ko.

"Wala! gusto ko lang namang kamustahin ka Sam! wala naman akong balak na masama!"sabi niya.Habang pinaglalaruan ang buhok ko.

"Natanggap mo ba ang text message ko?"

"Hinde! wala pa!"

"Sayang naman at hindi mo natanggap.Hayaan mo sasabihin ko na lang.Niyaya kita sa isang street racing sametime,sameplace! sa Linggo! sama mo na ren pati ang pamilya mo.Malay mo gusto nilang mapanood ang katapusan mo? Malay mo lang naman."

"Di ka naman magyaya kung walang kondisyon? say what you want Hibari?"

"Pagnanalo ka titigil na ako.Pero pagnatalo ka sorry! you know the punishment.?"sabi niya

"No! Ayoko nang bumalik sa mundong matagal ko nang kinalimutan.Sa mundong binaon ko na sa limot.isipin na lang natin na ang mga araw na nagst-street racing ako ay isang mahabang panaginip.Panaginip na ngayo'y tapos na. at ayoko ko nang dugtungan pa.bahala ka kung hindi ka titigil problema mo na yan.Tandaan mo matagal na kitang kinalimutan you know Hibari  your my GREATEST NIGHTMARE!!! Stop! bothering  me please!"

"Bahala ka! kung yan ang gusto mo!"

"SAM! TARA NA UWI NA TAYO!"

"oh! sinusundo ka na pala ng taong makakasama mo! Wish you luck my precious!"pamamaalam niya. Ngumiti lang ako sa kanya.Tsaka siya naglakad palayo sa akin. Di pa rin siya nagbago. Siya pa ren ang Hibari na kilala ko.


Hibari's P.O.V

Naglakad ako palayo sa kanya.Ang babaeng kinababaliwan ko. ang babaeng mahal na mahal ko. Tama sila dat pinagpatuloy ko na lang ang buhay ko.Di na sana ako nagpakita pa! Di ko akalain na ang taong mahal ko ay nagawa ko saktan.Tsk!

"Hibari! nakabalik ka na pala? How's my men?" boses yun ni Greyson ah.

"Hey! What are you doing here in the Philippines!" tanong niya sa akin. Ngumiti lang ako tsaka naglakad paalis. Wala paring pinagbago tong si Greyson.


Nakarating ako sa bahay. Nababalot ng katahimikan ang buong bahay na'to tanging ang tunog lang ng sapatos ko ang naririnig ko.Dumeretso ako sa taas kung saan nakaratay ang naghihina kong nanay. Past years ago umalis kami sa Pilipinas para ipagamot siya sakit niya sa ibang bansa breast cancer stage 3.Hanggang ngayon lumalaban pa rin siya sa sakit niya.

"Ma! are you okay here? wait lang po ha! tatawagin ko lang si yaya para mabantayan ka!"paalam ko sa kanya.

Mahina na siya.Mahinang-mahina.Pero di ako titigil kailangan niyang gumaling sa lintek! na sakit na yan! Kailangan...

* Next Time^

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ARRANGE MARRIAGE KAY MR.SUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon