Chapter 3 (Part 1) - Pagkikita

118 20 12
                                    

May ilang araw na mula nang mangyari ang press launch. Halos nakalimutan na nga ni Naomi ang nangyari nung gabing yaon. Tuloy siya sa kaniyang trabaho. Kinaumagahan, bago siya tumuloy sa kaniyang trabaho, nakipagkita siya sa kaniyang psychiatrist. Regular siyang nakikipagkita rito upang ma-manage ang kaniy sakit - Siya ay may Bipolar disorder.

Lingid sa kaalaman ng marami, hindi maituturing na baliw ang mga taong may bipolar disorder. Subalit ang ganitong uri ng sakit sa pag-iisip na kung saan ang isang tao ay sinusumpong ng matinding depresyon o mood swings. Madalas itong mangyari kay Naomi, lalo na ang matinding pagkabalisa at galit kapag siya ay nai-stress ng sobra. Kaya naman regular ang pagkonsulta niya sa psychiatrist na kaibigan ng kaniyang pamilya. Bukod doon ay may mga iniinom siyang anti-depressants bilang pangontra sa kaniyang sakit.

Pinayuhan siya ng kanyang psychiatrist. Dapat lamang na gumalaw-galaw ang isang tulad niya. Dapat din daw na mayroon siyang mga pinagkakaabalahan para makalimutan niyang mayroon siyang bipolar disorder. Subalit madalas na payo ng kaniyang psychiatrist na wag umasa sa mga gamot. At bagamat sinabi nga niya na dapat gumalaw-galaw si Naomi, pinaaalalahanan niya ito na hangga't maaari, ay iwasan ang matinding stress at pagod. Dapat niyang bigyan ang kaniyang sarili ng pahinga, at makihalubilo sa mga tao sa kaniyang paligid. Alam rin ng kaniyang psychiatrist na may pagkamasungit si Naomi kaya naman lagi niyang sinasabi na iwasan ito.

"Alam ko po..." wika ni Naomi.

"Eh, alam mo naman pala, eh!" sabi ni Dra. Shirley Fabella, ang kaniyang psychiatrist. "Pero nababalitaan ko nagsusungit ka ulit sa mga empleyado mo."

"Hindi ako nagsusungit. I just discipline them."

Napangiwi si Shirley. "You discipline them, pero ikaw etong matigas ang ulo...." Pagkatapos ay sinulatan niya ang reseta. Inilista niya rito ang mga gamot na dapat niyang inumin, at kung ilang beses niya itong dapat gawin. Pagkatapos ay inabot ito kay Naomi. "O, eto na ang reseta. Follow the dosage indicated there. Then, same thing, see me every week for your consultation. Wag ka papalya. And please, don't put too much pressure to yourself whenever you're at work. Kaya ka madalas ma-stress."

"I'll try. You know the nature of my job naman, eh!" tugon ni Naomi.

*****************************************************************

May mga ilang araw rin mula nung matanggal si Justin sa kaniyang trabaho. Patuloy siya sa paghahanap ng bagong mapapasukan. Ilang araw rin siyang nag-iikot makakita lamang ng mapapasukan. Kailangan niyang umalis ng bahay araw-araw para hindi mahalata ng kaniyang amain na natanggal siya sa trabaho.

Mga mag-aalas diyes nang umaga noon. Inaantay niya malapit sa labasan si Tina. Dala kasi niya ang mga updated resumes ni Justin.

Dumating si Tina. Humingi siya ng paumanhin sapagkat medyo natagalan siya.

Nahiya si Justin. "A.... ako nga yung... dapat humingi ng tawad, eh." Napayuko siya at nagkamot ng ulo.

Napangiti si Tina. "Ayos lang yun. Gusto talaga kitang tulungan kaya ginagawa ko ito." Napansin niya ang tila nahihiyang tingin ni Justin sa kaniya. Hinimas ni Tina ang ulo ni Justin na para bang ginugulo-gulo ang buhok nito. "O, bakit ka ganiyan? Wag ka nang mahiya. Tingin ka nang diretso, kaya ka hindi natatanggap eh, hindi mo matignan ng diretso sa mata yung mga employer!" Pagkatapos ay naglabas siya ng tatlong-daang piso sa bulsa. "Pamasahe mo, at saka pagkain."

Tumingala si Justin at sinubukang ibalik ang pera kay Tina. "Ah... w-wag na.. m... may pera ako....."

"Pero baka kulangin ka." giit ni Tina. Sinubukan pang ibalik ni Justin ang pera, Pero Ipinasok lang ni Tina ang pera sa bulsa ng lalaki. "Ay, naku. paano ka makakahanap ng trabaho, eh mismong grasya tinatanggihan mo? Sige na, wag mo nang alalahanin yan. Di naman kita sinisingil eh."

Crazy True Love (thedrift1988)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon