Prologue

293 31 17
                                    

WOMAN'S POV:

"Naalala ko ang gabing iyon.

Ang gabing parang halos magunaw ang mundo ko. Ang gabing sa umpisa ay tila ba isang bangungot. Kamuntikan akong mapahamak. Parang habangbuhay na ang dilim na bumalot sa akin noong mga oras na iyon...

Nang biglang sumulpot ang isang lalaking nagligtas sa akin.

Oo. Sa lahat ng mga taong maaring sumaklolo, siya ang unang nakakita sa akin. Ang lalaking isinugal ang buhay niya para lang mabuhay ako......

Hinayaan ko lang na bumagsak sa aking mga bisig ang nanghihina niyang katawan. Ang mga palad ko ay nabahiran ng kaniyang dugo. Nakita ko ang kaniyang maamong mukha, na halos mawalan na ng buhay.

Mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot. Takot dahil wala akong magawa para tulungan siya.

Bumuhos ang luha ko. Hindi ko na maaninag ang kaniyang mukha dahil sa mga luha ko. Noon ko lang siya nakilala, pero natatakot akong mawala siya.

Gusto ko pa siyang makita. Gusto ko siyang makilala."

***************************************************************

MAN'S POV:

"Hindi ko makakalimutan ang gabing yaon. Ang gabing halos ikamatay ko.

Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isip ko. Bakit ko pa siya naisipang iligtas? Nag-aantay si tatay. Nag-aalala ako kung ano ang maiisip niya pag nabalitaan niya ang nangyari sa akin.

Tumakbo na yung mga lalaking yun.... Doon na ako nakaramdam ng panghihina. Umikot ang paningin ko. Hindi ko na halos marinig ang nasa paligid ko. Doon na ako tuluyang bumagsak.....

Pero.....

Sinalo ako ng mga braso niya. Hiniga niya ako sa kaniyang kandungan.

Hindi ko na marinig ang kaniyang sinasabi. Basta, ang alam ko, umiiyak siya.... nakikiusap na kumapit pa ako para mabuhay. Napakalamig, pero napakalambing ng boses niya....

Hindi ko halos maaninag ang mukha niya. Hilong hilo na ako noon, bukod pa sa nabasag ang salamin ko.

Doon ko unti-unting inangat ang kamay ko. Dinaman ng mga palad ko ang mukha niya. Ang kinis.... matangos ang ilong.... malambot ang mga labi....

Nararamdaman kong tumutulo ang luha sa kaniyang mga mata.

Kakaiba ang naramdaman ko.... Patay na ba ako? Para kasing anghel ang nasa harapan ko....

Pero sana totoo ang nakikita ko..... Gusto ko pang mabuhay.... para sa iyo.

Gusto kitang makilala.

Crazy True Love (thedrift1988)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon