May halos dalawang linggo na rin ang nakakaraan mula noong gabing iyon. Sa loob ng mga araw na iyon ay nanatili si Naomi sa kanilang tahanan. Bagamat may mga panahong sinusumpong siya ng kaniyang sakit, ay muli niyang nakokontrol ang kaniyang sarili. At bagamat mas maaliwalas na ang mukha ni Naomi, hindi pa rin naaalis sa kaniyang gunita ang lalaking nagligtas sa kaniya. Madalas niyang tanungin ang sarili niya kung ano na ang nangyari rito, kung nakalabas na ba ito ng ospital, at kung maayos na ba talaga ang kaniyang lagay. Lahat nang iyon, nasa isip niya.
Nasa loob siya ng kaniyang kuwarto, suot ang kaniyang nightgown. Nakaupo lang siya sa kaniyang kama, nagiisip ng malalim. Maya-maya pa ay pumasok ang kaniyang lola na si Josefina. May dala itong pagkain para sa apo. Dahan-dahan niya itong nilapitan para matiyak na hindi siya madudulas habang dala ang pagkain.
"Apo, may dala akong pagkain para sa iyo." ang sabi ng kaniyang lola. Dahan-dahan niyang nilapag ang pagkain sa la mesa, malapit sa kama ng kaniyang apo. Samantalang si Naomi ay nasa kama pa rin, walang imik. "Kumain ka na. Hindi maganda sa katawan ang ginugutom ang sarili."
Lumingon lang si Naomi sa kaniyang lola, at ngumiti.
"Nasa opisina na ang mommy mo. Sinabihan niya ako na siya na raw muna ang bahala sa mga trabaho mo roon." Patuloy ng kaniyang lola. "Ayos ka na ba?"
"Opo. Ayos na po ako." Tugon ni Naomi. "I think kakayanin ko nang magtrabaho bukas. Hindi ko dapat pinapabayaan yung mga tasks ko sa office. I still have a lot of papers to sign, meetings to attend, and all that. I cannot afford not to work for days. Baka naghihinala po yung mga employees natin. Alam niyo naman pong may mga tao roon na mahilig gumawa ng tsismis, di ba?"
Bahagya silang humagikgik.
May saglit na katahimikan nang sandaling iyon. Nabakas ni Josefina sa kaniyang apo ang kalungkutan. Lalong lumapit kay Naomi ang kaniyang lola. "Anak, alam kong hindi mo pa rin natatanggal sa ala-ala mo yung nangyari. Kakatext lang ni Andrew. Yung lalaking nagligtas sa iyo, stable na raw. He's still under observation, though. Hindi pa raw siya nagigising, eh."
"Ganoon po ba?" Tanong ni Naomi. "May mga dumating bang kamag-anak niya doon sa ospital?"
- "Meron na raw, sabi ni Andrew."
"Nakausap po ba ni Drew yung kamag-anak niya? Alam na po ba ng mga kamag-anak niya yung nangyari?"
- "Sabi niya, hindi pa. Saka sinabihan na namin siya na huwag na muna. Hindi pa ito yung tamang panahon para makausap sila. Sigurado akong nabigla rin sila sa nangyari kaya hayaan muna natin sila. Kailangan muna natung umiwas, baka kasi kung ano pa ang maisip nila."
"I understand, lola." Napabuntong-hininga si Naomi. "I just hope na magising na siya. Hindi ako matatahimik hangga't di siya nagigising."
"He'll be okay, honey."
"I hope so, lola.... I hope so..." Tugon ni Naomi. Muling nagkaroon ng sandaling katahimikan. Pagkatapos, ay tumulo ang luha sa mga nata ni Naomi.
Nagulat ang kaniyang lola. "O, iha, bakita ka umiiyak?"
Tuminging si Naomi sa kaniyang lola. "I'm sorry, lola." May nginig sa boses niya nang sabihin niya iyon. "I'm sorry.... Alam ko, hindi niyo ginustong maging ganito ako."
"Why are you saying that, iha?"
"I know hirap na kayo dahil sa akin. Hirap na kayo dahil sa sakit ko. I know you have a lot of expectations to me because I'm the heir of this family. I always give all my best, but in the end, I fail because... I'm not normal.... I just don't know how to face you anymore.... Nakakahiya ako, to the point that I hate myself. I'm so sorry, lola.... I'm so sorry...."
BINABASA MO ANG
Crazy True Love (thedrift1988)
RomanceSadya nga bang nakapagpapabago ng isang tao ang pag-ibig? Ito ang kuwento ng isang manager ng isang malaking kumpaniyang pinamamahalaan ng kanilang pamilya. Mayaman, matalino at bata pa para sa kaniyang posisiyon. Subalit sa kabila nito ay kilala s...