Chapter 3 (Part 3) - Pagkikita

86 14 6
                                    

ANG NAKARAAN: Napalingon si Justin, at nakita niyang papalapit na ang lalaki sa kanila. Nakita niya na may hawak na kutsilyo at nakaumang na kay Naomi.

Kaya naman nang papalapit na ang lalaki ay itinulak ni Justin si Naomi.

Natumba ang babae, at hinawakan niya ang kaniyang likod sa sobrang lakas ng pagkakatulak sa kaniya. Ngunit nang lumingon siya kay Justin, biglang nanlaki ang kaniyang mga mata. Muling nanumbalik ang kaniyang takot. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nasaksihan.

"T..... tumakbo.... ka na....."

Ang kustilyo na dapat sana ay tatama kay Naomi, ay nakatarak sa dibdib ni Justin.

**************************************************

Hindi nakuntento ang lalaki, muli niyang sinaksak si Justin sa sikmura, masiguro lang na hindi siya papalag. Nabitawan ni Justin ang kahoy na hawak niya sa lakas ng pagsaksak ng lalaki.

"H.... hindi...." bulong ni Naomi sa sarili habang pinanonood lang niya ang madiin na pagkakasaksak ng lalaki kay Justin.

Hindi makapagsalita si Justin. Nagsuka ng dugo. Tumulo ang kaniyang luha sa sobrang sakit ng pagkakasaksak sa kaniya ng lalaki, hanggang sa halos tila umiikot na ang kaniyang paningin. Nang bitawan mula sa pagkakasaksak, saka tinulak ng lalaki si Justin hanggang sa tuluyan itong matumba.

Nahulog at nabasag ang salamin ni Justin nang bumulagta siya sa lupa. Tumingin siya sa kinaroroonan ni Naomi, at inangat ang kaniyang mga kamay na tila ba inaabot si Naomi.

Hindi alam ni Naomi ang gagawin. Bukas lang ang kaniyang bibig, maluha-luha ang kaniyang mga mata sa takot na bumalot sa kaniyang katawan. Hindi niya alam kung ano ang gagawin - puntahan si Justin o tumakbo at humingi ng saklolo.

Ngunit nang mapansin niyang papalapit na ang isa pa sa mga lalaki, agad siyang tumayo at tumakbo. Sinundan lang siya ng mga lalaki.

**************************************************

Samantala, napansin ni Andrew na tila nawala sa GPS tracker niya si Naomi.

"Pinatay kaya niya yung phone niya?" tanong niya sa sarili. Kaya patuloy na nag-iikot si Andrew sa may parke. Hindi niya nakita si Naomi sa lugar kung saan dapat sila magkita.

"Ano ba yang babaeng yan, sabi dito raw sa taxi bay mag-antay. Nasaan na kaya siya?" Dismayadong bulong ni Andrew.

Naisip ni Andrew na baka nandoon pa sa restaurant si Naomi, kaya agad siyang pumunta rito. Pero napansin niyang wala nang katao-tao sa lugar, at maging ang restaurant ay sarado na. Dismayado si Andrew. "Hay, baka nakakita na ng taxi yun at umuwing mag-isa." wika sa sarili. Kaya naman, nagpasya siyang umuwi na lamang at bukas ay matinding sermon ang ibibigay niya kay Naomi.

Nagmamadali na rin siyang umuwi sa kaniyang apartment. Malalim na rin kasi ang gabi. Kaya naman lumiko siya sa isang madilim na daan papuntang parke para doon mag-shortcut.

Malayo pa siya noon, subalit agad niyang napansin ang isang babae na tumakbong tila ba may nilalayuan. Napahinto ang sasakyan niya upang tignan kung sino yun. Agad niyang nakilala ang damit ng babae sapagkat maliwanag ang buwan noon.

"Teka.... Si Naomi yun, ha?"

Lalo siyang nagtaka nang madapa ito. Nilibot niya ang kaniyang paningin sa buong paligid at napansin niya ang dalawang lalaking sumusunod sa kaniya. Si Naomi naman ay halos pagapang na lumalayo sa mga lalaki.

Nang mabatid ni Andrew na nasa panganib si Naomi, agad niyang pinatay ang mga ilaw ng sasakyan, at pinaandar ito ng pagkabilis-bilis.

**************************************************

Crazy True Love (thedrift1988)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon