Hello, guys! I'm thedrift1988. Hindi ako masyadong regular sa site na ito. Pero marami na rin akong nabasa na mga istorya, tulad ng favorite kong si simplychummy (Ay, plugging?)
Hindi ito ang unang beses na susulat ako sa Wattpad, o sa ibang mga fanfiction sites. In fact, may istorya rin ako sa isang popular na Fanfiction site. Di ko na sasabihin, baka bawal ipost yung link, eh.
Anyways, although may mga usual scenarios ng isang istorya na ilalagay ko rito sa kuwento ko (Birth secrets, amnesia, patayan - JK) wag niyo po sanang asahang magpo-focus ako sa romance. Seriously, it's not my forte. Sana po ma-enjoy niyo, at sana i-share niyo sa lahat :)
****
Maganda ang sikat ng araw ng mga panahon na yaon. Ang mga empleyado ng Diamond Group ay abala sa kanilang mga gawain. Tumatanggap ng tawag mula sa mga kliyente, kumukuha ng iba't ibang files, binubuhat ang santambak na mga folders. Ganito ka-busy ang mga tao sa isa sa pinakamalaking conglomerate sa Pilipinas. Subalit ang kanilang pagiging abala ay nabasag ng isang sigaw.
"NANDITO NA SI BOSS!"
Dali-daling pumila ang mga empleyado ng dalawang parallel na linya sa harap ng opisina. Inayos ng lahat ang kanilang postura. Siniguro nilang walang masisita sa kanilang ayos. Anumang sandali ay papasok na ang kanilang boss.
Sa labas ng building ay pumarada na ang isang itim na BMW Sedan. Lumabas ang isang babae, kasama ang kaniyang sekretarya. Ang babaeng lumabas mula sa kotse ay si Naomi Tiongco, 28 years old, at manager ng hotels and restaurants division ng Diamond Group. Simple subalit elegante at sopistikada, ay nakasuot ng isang asul na sleeved dress at itim na office skirt at may dalang Louis Vuitton bag at ilang mga folder. Kasama niya si Andrew, ang kaniyang sekretarya.
Pumasok ang dalawa sa opisina. Sila ay naglakad sa gitna nag mga empleyadong nakapila sa harapan nila. Isa-isang tinignan ni Naomi ang mga empleyado, at napansin niya ang isa sa mga iyo. Unti-unti niyang nilapitan ito.
Ang empleyado naman ay hindi halos makakibo dahil sa nerbiyos. Kilala kasi si Naomi na mataray. Siya ang tipo ng tao na kaunting mali lang ay sisitahin ka na.
Nakalapit sa empleyadong iyon si Naomi. Halos nautal ang empleyado. "Yes.... m.... Ma'am?"
"Maganda ang coat mo, ha...." Ang sabi ni Naomi. Pagkatapos, ibinigay niya ang kaniyang mga gamit sa kaniyang sekretarya, muling humarap sa empleyado, at inayos ang tie nito. Muling nagsalita si Naomi. "Yun nga lang, hindi bagay ang ayos ng kurbata mo. Nakakahiya naman, boss mo pa ang nag-ayos."
"P.... pasensya na po." Ang sambit ng empleyado.
Ilang saglit pa ay humarap si Naomi sa mga empleyado, at naglitanya.
"Ganito ba kayo araw-araw sa kumpaniya? Saka niyo lang aayusin ang mga sarili niyo pag nandito na ako? If so, how will that reflect your performance in this company? Mabait akong tao. Pero sana next time, lagi kayong handa, nandito man ako o wala. Alam niyo naman siguro kung ano ang ginagawa ko sa mga taong pabaya, hindi ba?" Saka sila naglakad ng kaniyang sekretarya papunta sa elevator.
****
Nasa ika-labinglimang palapag ng buinding ang kaniyang opisina. Habang nasa loob ng elevator sina Andrew at Naomi, hindi nakatiis ang una na magsalita.
"You're so rude." Aniya.
"What's so rude about that?" reaksyon ni Naomi. "Those are just words. They don't mean harm on them. Isa pa, tama lang na paalalahanan ko sila about discipline."
Hindi umiimik si Andrew.
Iniba ni ang usapan. "Oo nga pala, what's my schedule for this week?"
BINABASA MO ANG
Crazy True Love (thedrift1988)
RomanceSadya nga bang nakapagpapabago ng isang tao ang pag-ibig? Ito ang kuwento ng isang manager ng isang malaking kumpaniyang pinamamahalaan ng kanilang pamilya. Mayaman, matalino at bata pa para sa kaniyang posisiyon. Subalit sa kabila nito ay kilala s...