Chapter 5: Muling Pagkikita (Part 4)

20 2 0
                                    

Lumingon si Jordan sa kaniyang ina. Doon ay nagsalita siya.

"Ma... I just want to ask a favor."

Pinunasan ng kaniyang ina ang mga luha niya. "Ah, sure, anak. What is it?"

"Well, kung pwede sana...." natigilan sandali si Jordan.

"Ano yun, anak?" Ang tanong ng kaniyang ina.

Maya maya pa ay sinabi na ni Jordan ang kaniyang hiling

"Can we go back to the Philippines?"

********************************

"Anak...." Tanong ng kaniyang ina. "W - why do you want to go back?"

"Well... I - I have a lot of unfinished business there." Ani Jordan.

"Unfinished business? Pero anak, nandito na sa Amerika ang buhay natin. Ano pa ba ang business mo doon?" Pagtataka ng kaniyang ina.

"Ma, that thing is personal already..." sagot ni Jordan. "Besides, we still have several stocks left na hindi pa nabebenta. I guess, while talking to Papa before he passed away, he's asking me to manage them..."

- "Pero, anak, ibebenta na rin ang mga stocks na iyon. May mga kinausap na akong tao para mag-manage ng sale ng mga shares natin." ang tugon ng makiyang ina. Lumapit ito kay Jordan, at hinawakan ang kaniyang mga balikat. "Wala na tayong mababalikan doon. Your father wants us to stay here."

Tumingin ng diretso si Jordan sa kaniyang ina. Malamlam ang kaniyang mga tingin. Mapabuntong hininga siya bago siya nagsalita. "Ma.... I don't know if papa really wants us to stay here. Kaya lang naman siya nandito eh dahil sa walang doktor na makapagpagaling sa kaniya sa Pilipinas. It's been almost 2 years mula nang dinala siya rito. These American doctors, we've put too much faith in them. Kung alam ko lang na hindi siya mapapagaling ng mga doktor dito, hindi na sana ako pumayag na dalhin siya rito. "

"A - anak, ako rin naman, umasa na gagaling siya rito. Pero mas mabuti na rin ito kaysa naman sa nasa Pilipinas siya. Baka mas maaga pa siyang nawala sa atin pag nanatili siya
doon."

Bahagyang tumaas ang boses ni Jordan. "Ma, bakit parang nagpapasalamat ka pa na namatay siya rito?"

"Hindi naman sa ganoon, anak. I mean... Mas maigi nang dinala natin siya rito sa America. At least, it prolonged his life, di ba?" Depensa ng kaniyang ina. Hindi umimik si Jordan. Nagpatuloy ang kaniyang ina. "Anak.... trust me. I'm deeply hurt with his passing. K... kung tutuusin nga, parang namatay rin ang kaluluwa ko sa pagkawala niya. Pero I'm sure that your father wants us to stay here. Nandito na ang lahat ng kailangan natin. Wala na tayong babalikan sa Pilipinas, iho."

Napabuntong hininga lamang si Jordan. "I don't know, Ma. I don't know if Papa really wants us to stay here. Siguro nga, wala na kayong babalikan doon." Aniya. "Pero ako, meron pa."

Tinapik laman ni Jordan ang balikat ng kaniyang ina. At bago siya umalis, muli niyang iginiit ang kaniyang nais na bumalik ng Pilipinas. "Within a week right after his burial, I'll be back there. If you wish to stay here, together with Mylene, you may. I won't stop you. I'll be back there alone"

********************************

May ikaapat na linggo na rin mula nang makalabas ng ospital si Justin. Pinasuri ni Tina ang kaniyang kaibigan. Agad naman siyang sinuri ng doktor. Pagkatapos ng pagsusuri, sinabihan sila na naghilom na ang mga sugat ni Justin. Subalit kailangan pa niya ng isang linggong pahinga bago nila masabi kung maari na siyang magtrabaho. Binigyan rin sila ng reseta ng mga dapat inumin ni Justin upang matiyak na manumbalik ang lakas nito.

Bandang hapon na nang nakauwi na sina Tina at Justin. "O, sige. Uuwi na ako." ani Tina. "Huwag mong kalimutan yung gamot na nireseta sa iyo. Saka, magpahinga ka nang husto."

Crazy True Love (thedrift1988)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon