ANG NAKARAAN: Nasalo ni Naomi si Justin. Subalit marahil ay dahil sa kaniyang pilay ay nawalan siya ng balanse. Napadapa si Naomi habang yakap-yakap si Justin. Tila wala na siyang buhay noong mga panahon na iyon. Inayos ni Naomi ang pagkakapwesto kay Justin, at hinayaan niyang humiga ito sa kaniyang kandungan. Tuliro at umiiyak, pilit siyang ginigising ni Naomi.
"Hoy..... hoy.... wag kang magbiro ng ganiyan. H...hindi ka patay, di ba?" Tinapik-tapik niya ang mukha ni Justin.
Magkahalong hilo, pagod at sakit ang naramdaman ni Justin noong mga panahong iyon. Subalit sinubukan niyang huwag mawalan ng malay. pinigilan niyang wag isara ang kaniyang mga mata, at tinignan ang mukha ni Naomi. Hindi niya ito maaninag. Kaya inangat niya ang kaniyang kamay at hinaplos ang mukha niya, pinunasan ang luha sa kaniyang mga mata, at hinawi ang buhok na tumatakip dito.
"A.... ayos ka lang ba?" Bulong niya kay Naomi.
Tumango si Naomi. Napangitin ng bahagya kahit na balot pa rin ng takot. Patuloy na bumuhos ang kaniyang mga luha., at ang kaniyang mga kamay ay napahawak sa kamay ni Justin. "Oo..... Ayos lang ako...."
**************************************************
Nakita ni Andrew ang kalagayan ni Justin. Pinakiusapan niya si Naomi upang pahigain si Justin sa lupa. Lumapit siya rito at pinulsuhan. Dahan-dahan rin niyang tinanggal ang mga butones ng polo ni Justin upang malantad ang mga sugat na tinamo nito mula sa pagkakasaksak. "Dalawa yung tama niya..."
"Tumawag na tayo ng ambulansiya." pag-aalalang sinabi ni Naomi.
"Hindi pwede, sigurado ako matatagalan sila. Mas maganda kung dadalhin natin siya sa ospital. At saka baka makita ka nila rito, malaking iskandalo!"
"Wala akong pakialam sa iskandalo, basta tumawag na tayo ng doktor!" Tatayo na sana si Naomi upang kunin ang kaniyang handbag. Balak niya sanang tumawag ng sasaklolo kay Justin. Pero biglang kinuha ni Andrew ang kaniyang braso upang pigilan.
"May magagawa pa ako bago natin siya dalhin doon." ani Andrew.
Muling bumuhos ang mga luha ni Naomi. "Pero mamamatay na siya!"
"Maisasalba pa natin siya." aniya.
Nagtaka si Naomi. "....Huh?"
Lumingon siya kay Naomi. "Dalawa yung kailangan kong panyo. May isa ako rito, may panyo ka ba diyan na extra? Yung malinis?"
Nanginginig ang boses ni Naomi nang siya ay sumagot. "Meron akong panyo, galing sa kaniya... P.. pero ginamit ko, eh."
- "Akin na."
Inabot ni Naomi ang panyong ibinigay sa kaniya ni Justin. Kinuha naman ito ni Andrew. Pumunta siya kaagad sa kaniyang kotse at kinuha ang isang box ng tissue paper at ang scotch tape na gamit sa opisina. Pumunta siya sa likod ng kotse, binuksan ang trunk nito, at kumuha ng dalawang botelya ng mineral water. Hinugasan niya ang mga panyo gamit ang isa nito, pati ang kaniyang kamay gamit ang isa pa. Kinuha rin niya ang isang bote ng alcohol at nagpahid nito.
Naglagay rin siya nito sa mga panyo. Muli siyang pumunta sa kinaroroonan nina Naomi at Justin. Tiniyak niya muna ng hindi pa nawalan ng malay ang nasaksak. Tinignan rin niya kung may dugo bang lumabas sa kaniyang ilong o bibig. Napansin niyang may lumabas na dugo sa kaniyang bibig.
Kinakausap ni Andrew si Justin habang nililinis ang bahid ng dugo sa paligid ng mga sugat niya. "Makinig ka sa akin. Hangga't kaya, wag mong habulin ang hininga mo gamit ang bibig. Sa ilong ka lang huminga. Huwag mong ipikit ang mata mo ha..."
Sinubukan naman ni Justin na sumunod, kahit na paminsan-minsan ay napapahinga siya gamit ang kaniyang bibig. Sinubukan rin niyang manatiling gising kahit na hilong-hilo na siya.
BINABASA MO ANG
Crazy True Love (thedrift1988)
RomanceSadya nga bang nakapagpapabago ng isang tao ang pag-ibig? Ito ang kuwento ng isang manager ng isang malaking kumpaniyang pinamamahalaan ng kanilang pamilya. Mayaman, matalino at bata pa para sa kaniyang posisiyon. Subalit sa kabila nito ay kilala s...