ANG NAKARAAN: "Hello, Justin?!" ani Tina.
- "Ah, hello? Kilala niyo po si Mr. Justin Eusebio?" ang bungad naman sa kaniya ng tao sa kabilang linya.
Agad sumagot si Tina. "Oo, kilala ko. Sino po sila? Bakit kilala niyo si Justin?" - "Tauhan po ako sa ospital...."
Sandaling nanahimik si Tina. "Ospital?.... Bakit? Ano'ng nangyari?"
Pinaliwanag ng nasa linya ang nangyari kay Justin. Hindi na nakapagsalita pa si Tina nang malaman niya ang nangyari kay Justin.Halos mabitawan niya ang kaniyang cellphone.
"Hello? Nandiyan pa ho kayo?..." ang tanong ng nasa linya.
"Hindi....." bulong ni Tina sa kaniyang sarili, At doon ay biglang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata.
**************************************************
Alas-kuwatro ng umaaga noon noong napasugod sa ospital si Tina na halos nangingiyak nang sandaling iyon. Magkahalong lungkot at takot ang bumalot sa kaniya. Agad niyang nilapitan ang tao sa lobby ng ospital. "Miss!"
- "Sino po sila?" Tanong ng tao sa lobby.
"Ako yung tinawagan niyo tungkol kay Justin.... Justin Eusebio ang pangalan niya..."
- "Kamag-anak po ba niya kayo?"
"Kailangan niyo pa bang malaman iyon?!"
Nanahimik sandali ang tao sa lobby. Nagpatuloy si Tina sa pagsasalita. "Ka - Kaibigan niya ako.... Yung pamilya namin malapit sa pamilya niya.... Matanda na yung tatay niya, hindi siya sa masabihan kaya ako ang pumunta rito. Yan, nasabi ko na ang lahat, kuntento ka na?!"
"Okay, sige po. Siguro, maupo muna kayo sandali para - "
"Hindi ako pwede maupo rito, ano ba? A - at saka ano ba, may tinatago ba kayo?! Bakit hindi niyo masabi sa akin kung... kung sino nagdala sa kaniya, paano siya nasaksak... Ano nangyari sa kaniya, ha?!"
Sinubukang pakalmahin ng ibang nurse si Tina na kulang na lamang ay magwala sa pagkatuliro. Ilang sandali pa ay bigla na lamang itong humagulgol. Nagpatuloy ang nurse na nasa lobby area. "Miss, alam kong nag-aalala kayo sa nangyari sa kaibigan mo. Pero alam alam ko, nasa maayos na siyang kondisyon. Kung gusto mo, tawagin ko yung doktor na tumitingin sa kaniya para malaman mo kung anong nangyari."
Umiyak lamang si Tina noong mga oras na iyon. Humingi siya ng paumanhin sa naging asal niya. "Pasensiya na ho..."
Tinapik lang siya ng nurse sa balikat. "Ayos lang. Sige, pupuntahan ko lang ang doktor niya.". Naiwan naman si Tina na sa puntong iyon ay emosyonal pa rin.
**************************************************
Kinaumagahan, tumawag si Emily kay Dra. Fabella, ang kanilang family psychiatrist. Nang mabatid nito ang nangyari kay Naomi ay napasugod siya sa tahanan ng mga Tiongco. Mag-aalas-diyes na ng umaga nang siya ay dumating sa roon. Sinalubong siya ng mommy ni Naomi at nag-yakap sila. "O, tita! where's lolo and lola?"
BINABASA MO ANG
Crazy True Love (thedrift1988)
RomanceSadya nga bang nakapagpapabago ng isang tao ang pag-ibig? Ito ang kuwento ng isang manager ng isang malaking kumpaniyang pinamamahalaan ng kanilang pamilya. Mayaman, matalino at bata pa para sa kaniyang posisiyon. Subalit sa kabila nito ay kilala s...