Chapter 4 - Buhay at Kamatayan (Part 2)

106 16 8
                                    

ANG NAKARAAN: Nang nasa loob na siya, agad niyang nakita ang isang nurse. Sumigaw siya upang makakuha ng atensyon. "NURSE!"

Agad lumingon ang staff ng ospital at nakita ang buhat-buhat niyang sugatan. Nilapitan nila si Andrew upang tulungan. "Ano'ng nangyari sa kaniya?"

"Wag niyo na akong tanungin kung ano'ng nangyari, Kita niyo namang nasaksak siya, di ba? Basta tulungan niyo siya!" tugon naman ni Andrew.

Naihiga na si Justin sa stretcher at isinugod sa ICU. Sumunod naman si Andrew, subalit hindi na siya pinapasok nang pinigilan siya ng isa sa mga nurse.

Halos matumba si Andrew sa pinto dahil sa magkahalong kaba at pagod, dala na rin ng bilis ng mga pangyayari.

Habang si Naomi naman ay tensyonadong nag-aabang sa loob ng sasakyan.

**************************************************

May mga halos isang oras rin ang nagdaan. Nahugasan na ni Andrew ang bahid ng dugo sa kaniyang mga Kamay at braso. Nag-antay siya sa labas ng ICU, nang biglang lumabas ang doktor. Tumayo si Andrew, at hinarap ito.

"Kaano-ano mo yung nasaksak?" tanong ng doktor.

"Ah, I personally don't know him...." tugon ni Andrew. "Napadaan po ako sa ksang kalye. Then, nakita ko po siya na nakahandusay sa may daan. It was too dark and no other people had helped him, so, I came to the rescue."

"Okay, then. " Saka pinaliwanag ng doktor kung ano ang nangyari. "Well, right now, he is unconscious . The stab wound on his chest is quite big and it almost hit his heart. Ang daming dugong nawala sa kaniya. Yung sugat niya sa abdomen, halos tumama na sa kaniyang kidney. Medyo delikado kung nagtuloy-tuloy."

Nag-alala si Andrew sa sinabi ng Doktor. "But aside from those, his vital signs are now good. Sa ngayon, we've managed to work things out of those problems. Sucessful yung initial operation na ginawa namin sa kaniya. Saka mukhang lumalaban yung pasyente. That really helped us a lot. So, yon. I anticipate na magiging mabilis ang recovery niya. But still, we need to monitor him closely."

Nakahinga ng maluwag si Andrew. "Mabuti naman po, kung ganoon."

"Pero sandali," pagtataka ng doktor. "Napansin ko yung Tissue Paper na nakatakip sa mga sugat ng biktima. At saka, parang nakasara na rin ang mga sugat nung biktima. Did someone just performed a first-aid remedy on him?"

"I did." saka niya nilabas ang kaniyang pitaka, at may hinugot na ID Card. Binigay niya ito sa doktor."

"You're a licensed nurse?"

"Yes, I am."

- "Okay. Pero Bakit di ka tumawag ng ambulansiya?" Pag-uusisa ng doktor.

"Well, I guess, I am not that familiar with the location. May kadiliman po yung lugar, so I don't have any way to determine kung may street signs sa lugar. Besides, that has something to do with time constraints. Naisip ko po na matatagalan kung tatawag pa ako ng ambulance, so, nilapatan ko na lang siya ng first aid. Then, siguro lahat magmamadali na rin kaming isugod siya rito kaysa mag-antay pa ng ambulansiya. So I've decided to bring him to the hospital, instead."

- "Pero kahit na. Dapat tumawag kayo ng ambulansiya. What if something bad happens to him? Malalapatan niyo ba siya ng dagdag na lunas on your way to the hospital?"

"Well, siguro ang masasabi ko lang, medyo blangko ang isipan ko. Saka naisip ko na kailangang dalhin siya agad sa ospital so nagkusa na ako. Hindi ko na naisip na tumawag pa ng ambulansiya." tugon ni Andrew.

Halatang dismayado ang doktor. "Tsk. Hay, you should have known it in the first place. Buhay at kamatayan ng pasyente ang pinag-uusapan natin dito. You're a nurse, right?"

Crazy True Love (thedrift1988)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon