P2 Chapter Twenty-1: Stacey's POV

1.1K 36 2
                                    


Stacey's POV



  "Lord, sorry. Hindi ko po sinasadya ang lahat. Patawarin niyo ko. Sana maging ok na si Reign at ang baby niya. Promise po, hindi ko na sila guguluhin ni Tobe, pagalingin niyo lang po si Reign. Please Lord. Salamat po. Amen."




  Palabas na ko ng simbahan, dadalawin ko ulit ngayon si Reign sa hospital. 1 month and 3 weeks na siyang walang-malay. Sobra na kong nakokonsensya sa mga nagawa ko sa kanila.



  Sa sobrang kahibangan ko kay Tobe, nakalimutan ko ng gumawa ng tama. Haixts.



  I admit it.



  Masyado ng tumaas ang tingin ko sa sarili ko at masyado akong nainggit at nagselos sa atensyon na binibigay ng ibang tao kay Reign kesa sakin.     Yung pagiging popular at kasikatan ko, unti-unti ng nawawala ngayon. Hindi dahil kay Reign, kundi dahil sa ugali ko.



  Kahit yung mga kaibigan ko, hindi na nila ko sinasamahan sa mga lakad ko. Napapansin ko rin na iniiwasan na nila ko. Hindi na sila katulad ng dati. Na sumusunod palagi sa bawat utos ko.




  Hmmmmn. I'm so mean. :(



  Hindi ko dapat sinisisi si Reign. Tama nga si Tobe, magkaiba kami. Sobrang magkaiba.



  Mas ok si Reign kesa sakin sa lahat ng bagay.



  Mabait siya, mapagkumbaba, mapagkakatiwalaan, matalino at higit sa lahat,



  SIMPLE.



  Yan yung mga bagay na gusto ni Tobe na hindi niya makita sakin.




  Hmmmn. Ang totoo niyan, sa simula pa lang, alam ko na, na napilitan lang si Tobe na maging kami. Tinutukso lang kasi kami dati ng mga ka-Varsity niya at ka-cheering squad ko. Biglaan lang na naging magboyfriend-girlfriend kami.



  Matagal ko na ring napapansin na may nararamdaman si Tobe kay Reign. Kaya simula nung first year pa kami, palagi kong pinag-iinitan si Reign sa tuwing makakasalubong ko siya. Hanggang sa lumala pa lalo yung sitwasyon. Lalo ko siyang pinag-initan at pinahirapan.




  At nakokonsensya na ko ngayon sa nangyari dahil ako ang kontrabida sa love story nilang dalawa.

My Facebook Girlfriend - ♥ My FB GF Story ♥ ☺ Complete ☺Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon