Chapter Eleven: Drake's POV

2.6K 88 1
                                    

Drake's POV

  Ako nga pala si Drake Elie Gutierrez. Magkaibigan na kami ni Tobe bago pa namin naging katropa sina Blaire, Josh at Peter dahil sa Basketball Varsity Team sa school.

  Magkasabay kami ni Tobe lumabas ng room.

  Pupuntahan daw niya yung gf niya sa school garden. Gusto daw niya maunang makarating dun kaya lang nakasalubong namin si Sir Nathan at kinausap kami tungkol sa practice.

  Kaya yun inabot kami ng 15 mins.

  "Ui Drake. Mauna ka na. Sabay na kami ni Elarei mamaya. Ihahatid ko pa siya pag-uwi."

  "Oh sige. Goodluck. Pakilala mo siya samin bukas Tobe ha."

  Lumakad na ko palabas. Nakita ko si Amber.

  "Hi Amber. May iniintay ka ba?"

  "Oo. Yung pinsan ko. Ikaw ba? Wala ka bang iintayin?" nakangiting sagot niya sakin.

  "Si Tobe sana kasabay ko. Kaya lang mukhang mamaya pa yun eh."

  "Talaga?! I mean ganun ba."

  "U u u u y y y y y y y y y y!" napalingon kami sa mga students na naghiyawan.

  "Si Tobe ba yung nasa may garden?" narinig kong tanung ng babae sa kasama niya.

  Napatingin kami ni Amber sa garden.

  Nakayakap si Tobe kay Nerd girl.

  "Bakit niya niyakap si Nerd girl?" hinampas ako ni Amber.

  "Ouch! Bakit?"

  "Hello! Sabihan bang nerd ang pinsan ko sa harap ko pa mismo."

  "Siya ba yung iniintay mo? Saka siya si Elarei?"

  "Oo. Siya nga si Elarei. At sino pa nga ba? Eh si Reign lang naman ang pinsan at bestfriend ko dito sa school na 'to." mataray na salaysay ni Amber sakin.

  Hinila ko siya papunta sa parking lot.

  "Hoy! Drake. San mo ba ko dadalhin. Iintayin ko pa si Cuz."

  "Ihahatid kita sa inyo. Kawawa ka naman mamaya. Uuwi ka mag-isa."

  "Baliw ka talaga. Bakit naman ako uuwing mag-isa eh andun pa nga si Reign."

  "Magiging istorbo ka lang sa usapan nila. Saka ihahatid na siya mamaya ni Tobe pauwi."

My Facebook Girlfriend - ♥ My FB GF Story ♥ ☺ Complete ☺Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon