P2 Chapter Twelve: Sa bahay;

1.2K 34 2
                                    

Sa bahay;

Tobe's POV

  Sinusubukan kong tawagan ang dating # ni Gfq at # ni Tita Nadine pero parehas ko silang hindi makontak.

  Madami na rin akong pinost sa facebook namin ni Elarei, pero ni isa wala man lang siyang pinapansin.

  Kahit chat, like o comment sa status na pinopost ko eh wala rin.

  Hindi ko na alam ang gagawin ko.

  Gusto ko sanang sundan siya sa Canada pero konti pa lang yung naiipon ko. Kulang pa pambili ng ticket para makasama ko na siya.

  Haixts.

  Sana palagi rin akong iniisip ni Elarei katulad ng ginagawa ko.

  Sana hindi siya mahulog kay Stanley. Sana ako pa rin yung mahal niya.

  Makapagpost nga ulit. Baka sakaling mag-online siya.

What's on your mind?

  nmi2ss n kta ng sobra2x Gfq. ,gsto na ktang makita, mring ang boses mo., mksama ka., myakap ka at mkausap ka. gusto kong mlaman mo na mhal n mahal kta hgit pa sa buhay q. hnd aq galit sau khit iniwan mo ko dito Gfq.

  ang totoo nyan, nmatay ang puso q ng umalis ka. pro tumitibok lng to s twing naiisip kong babalikan mo ko at 22parin mo ung pangako mong ndi mo ko iiwan khit kelan. hayaan mo. mghhintay lng aq dto hnggang sa dumting ang arw n bumalik k n ulit skin Gfq. ingat k plage dyan. sobrang miss na kita.

#iloveu4a1000more

#myfacebookgirlfriend

-with Elarei Gomez

  Andami kong tinype.

  Pero kulang pa din yung pinost ko para malaman niya kung gano ko na siya namimiss.

  Bigla kong naalala yung bulaklak na tinanim namin sa school.

  Lagot na!

  Lampas isang buwan ko na yung hindi nabisita. Baka nasira na yun.

  Tsk. Makatulog na nga.

My Facebook Girlfriend - ♥ My FB GF Story ♥ ☺ Complete ☺Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon