P3 Chapter Twenty-6: Pagbalik ni Amber

1.2K 41 0
                                    


  Pagbalik ni Amber ay saka lang kami nag-umpisang kumain ng merienda. Si Mama naman ang nagbuhat at nagbantay kay Baby Abie.

  After namin kumain ay kinuha ko ang laptop sa room ko at dinala sa sala. Tapos hiniram ko yung phone ni Amber para mapanuod namin yung video.

  Plinay ko na yung video ng makaupo na kami lahat sa sofa.

  "Ang ganda mo Ate Reign diyan. Perfect yung ayos mo at yung gown na suot mo." sabi ni Mikei habang nanunuod kami.

  "Oo nga. Perfect na sana pero halatang hindi ka nag-eenjoy sa paglalakad sa aisle. Don't tell me nakasimangot ka lang diyan the whole time?" tanong naman ni Ate Eumi.

  "Naku. Sinabi mo pa Eumi. Matatawa ka sa video na yan. May mga eksena diyan na mala-fairytale." sagot ni Amber.

  "Alin diyan?"

  "Basta abangan niyo."

  Pinanuod nga nilang mabuti yung video. Pati ako natawa dun sa part na magki-kiss the bride na yung groom.

  Naalala ko yung nangyari nun. Hahah.

***Flashback***

  Kinakabahan ako nung magki-kiss the bride na. Nag-iwas ako ng mukha nung malapit na sa mukha ko yung mukha ni Stanley. Kaya sa pisngi ko lumanding yung kiss niya.

***end of flashback***

  "Yan na. Malapit na yung malafairytale na eksena." sabi ni Amber.

  Tapos nakita ko sa video si Kristine na umiiyak.

  "Stacey, si Kristine yan di ba?" tumingin ako kay Stacey.

  "Oo. Si Ate Kristine nga. Hindi ko alam na nagpunta pala siya sa kasal niyo."

  "Teka? Kilala niyo yung babaeng umiiyak?" tanong ni Amber.

  "Oo Couz. Siya si Kristine. Ang real girlfriend ni Stanley."

  "Talaga? Kaya pala siya umiiyak nun. Akala ko pa naman eh nadala lang siya dun sa kasal-kasalan niyo ni Stanley."

  "Kaya siguro alam niya agad na ako yung pinakasalan ni Stanley nung nagkita kami sa Canada."

  "May girlfriend pala si Stanley eh. Kamusta naman sila nung girl?" tanong naman ni Ate Eumi.

  "Ok na sila ngayon. Magkakababy na din sila at ikakasal na sila next week."

  "Next week? Eh di babalik ka na ulit sa Canada Stacey?" tanong ni Ate Eumi kay Stacey.

  "Ah oo nga pala. Pero 5 days lang naman ako dun eh. Tapos babalik na rin ako dito para tumulong sa pag-aasikaso ng kasal nina Reign at Tobe. Para makabawi naman ako."

  "Talaga Stacey? Uuwi ka agad para tulungan kami? Salamat ah." sabi ko kay Stacey.

  "Salamat Stacey." sabi naman ni Tobe.

  Tapos pinag-usapan na namin yung plano para sa kasal.








Tobe's POV

  Habang pinapanuod ko ang video ng kasal nina Reign ay nawala ang inggit at sakit na naramdaman ko nung nalaman ko na kinasal sila ni Stanley.

  Hindi naging masaya ang araw na yun para kay Reign.

  Kaya gagawin ko ang lahat para maging pinakamasaya si Reign sa araw ng kasal namin.


My Facebook Girlfriend - ♥ My FB GF Story ♥ ☺ Complete ☺Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon