Chapter Sixteen: Sobrang saya

2.5K 89 0
                                    

  Sobrang saya ko dahil sa mga sinabi niya sakin. Hawak ko pa rin yung kamay niya. Tapos niyakap ko siya.

  "Alam mo bang liligawan kita dapat nuon pa Shiela Reign bago pa kami malink ni Stacey sa isa't-isa. Kaya lang natatakot ako na mabusted mo kaya hindi na lang ako lumapit sa'yo. At sa totoo lang gustung-gusto na kitang kausapin nun kaya lang baka nga hindi mo ko pansinin."

  Dumistansya siya ng kaunti at nagtataka na tumingin sakin.

  "Ha? Ano? Ako?" tinuro niya ang sarili niya. "Liligawan mo ko dapat bago pa naging kayo ni Stacey? Weh? Bakit? Eh weird at nerd na ko mula pa nung pumasok ako dito diba."

  "Matagal na din kasi akong may gusto sa'yo Reign. Tapos nung marinig kitang kumanta nung nagpapractice ka pa lang sa may vacant room kasama si Amber eh nainlove na ko lalo sa boses mo. Kaya lang, hindi na lang din ako lumapit sa'yo dahil nalaman kong nanliligaw at may gusto rin sa'yo ang kaibigan kong si Blaire."

  "Wait lang Tobe ha. Hindi kasi ako makapaniwala sa mga sinasabi mo sakin ngayon eh. Parang imposible na magustuhan mo ko sa ganitong hitsura ko."

  "Bakit? Wala namang masama sa hitsura mo ah. At saka alam ko mula pa noon na mabuti kang tao Shiela Reign. At isa yun sa mga nagustuhan ko sa'yo."

  At isa pa guys maganda talaga siya sa panloob at panlabas na katangian. Lalo na kung hindi niya suot yung nerd glass niya.

  Her eyes was the most beautiful things i've ever seen.

  "At yun ang mga dahilan kaya mahal na mahal kita Reign."

  This time, si Reign naman ang yumakap sakin ng mahigpit na mahigpit.

  "Thanks sa lahat Tobe ha. Mahal na mahal din kita. And I will keep my promise that i won't leave you."

  "Salamat din Elarei. Ahm, nga pala. Can I invite you for a dinner? Sa bahay. Naipangako ko kasi kina Mama na ipapakilala kita sa kanila pag nagkita na tayo."

  "Hmmn, sige. Itetext ko na lang sina Manang Elsa at si Amber na malelate ako ng uwi. Sa friday pa kasi uuwi sina Mama at Papa. May business trip kasi ulit sila."

  "Sige. Tara."

Elarei's POV

  Pagdating namin ni Tobe ay narinig kaagad namin na nagkakasiyahan at nagkakantahan sa loob ng bahay nila. Este hindi pala bahay. Mansion look alike pala.

  I mean . . . ,

  W W O O O W W W W ! ! !

  Ang ganda at ang laki ng bahay nila. Pero syempre mas maganda at mas malaki ang mansion house namin. Kaya lang hindi ganito kaingay at sobrang saya. Minsan lang kasi umuuwi si Papa dito sa Philipines. Si Mama naman minsan pinupuntahan at tinutulungan si Papa sa mga business trip niya sa ibang bansa. Kaya sina Manang Elsa, Ate Gina, Amber, Tito Bernard at Tita Amelia malimit ko makasama at makakwentuhan dun samin.

  Hmmmn, baka naman may okasyon kaya ganito kasaya.

  "Ahm, may party ba sa bahay nyo?"

  "Hindi ko alam Elarei eh. Wala naman akong maalala na okasyon ngayon. Halika sa loob, tingnan natin." inaya na niya ko papasok sa loob ng bahay nila.

  Nagtinginan samin ni Tobe yung mga tao nang pumasok kami sa loob. Pati sina Ma'am Endozo, Mikei at Ate Eumi eh nakatingin.

  Shocks!

  Bakit ang daming tao. Nakakahiya naman. Akala ko naman kasi eh Mama lang niya at sina Ate Eumi ang tao dito sa kanila. Yun pala lahat ng kamag-anak niya eh nandito rin.

  "Tobe." sabi nung lalaki tapos yumapos sa kanya.

  Hmmn, mukhang kasing edad lang siya ni Papa. At saka kamukhang-kamukha nito si Tobe.

  "Oh! Papa! Kelan ka pa dumating? Bakit biglaan naman po ata? Hindi ka tuloy namin nasundo sa airport."

  "Ok lang anak. Kanina lang umaga ko dumating. Hindi ko na kayo naabutan eh. Aga nyo kasi pumasok sa school. Saka nakalimutan mo ba anak? 25th anniversary namin ng Mama mo kaya ako umuwi ngayon."

  Ang sweet naman ng Papa ni Tobe. Umuwi lang para makasama sila at icelebrate yung anniversary nila.

  Hmmmn, may pinagmanahan pala ng kasweetan tong si Tobe eh. Hehe.

{Haixts, sa wakas nasabi na din ni Tobe yung matagal na nyang gustong sabihin kay Reign., Lumelevel-up na sila., Ayieee., Ipapakilala na ni Tobe sa pamilya niya si Reign. Tatanggapin kaya siya ng mga ito kahit na nerdy girl-look siya? Let's see sa next chapter hehehe.,}  }author-sakurashe084{

♣ favor naman po friends and readers ♣

 
Please click the = VOTE = po if nagustuhan nyo po ang story. :)


Please post a = COMMENT = if may gusto po kayong sabihin about sa story. :P

Please = Follow = me (sakurashe084) if you like me as an amateur author., 


heheh., 

Please = SHARE = this story if nagustuhan at gusto niyo po mabasa din ng iba,

Please = ADD = this story to your reading list kung hindi nyo pa po mababasa agad.,  :P


thanks po mga friends, readers and followers sa support ♥

My Facebook Girlfriend - ♥ My FB GF Story ♥ ☺ Complete ☺Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon