Back to School;
After one month ay umuwi na si Stacey sa Pilipinas. Naiwan sa Canada sina Reign at Stanley dahil 2 months na lang ay manganganak na si Reign.
Bago umuwi si Stacey ay naging maayos ang samahan nila ni Reign. Naging close sila sa isa't-isa. Excited siyang bumibili ng mga gamit para kay Baby Abie. Halos araw-araw ay nagpopost siya ng mga pictures nila ni Reign at Stanley na magkakasama.
Pinagsisisihan talaga ni Stacey ang mga nangyari at gusto niyang makabawi sa mga kasalanang nagawa niya kay Reign.
Sa School;
Mag-isa lang si Stacey na naglalakad sa pathway papunta sa classroom nila nang makasalubong niya si Amber. Umiwas ng tingin si Amber sa kanya.
"Ahm, Amber. Sandali lang. Pwede ba tayong mag-usap?" mahinahon na sabi ni Stacey.
"Ano namang pag-uusapan natin ha Stacey?" mataray na sagot naman ni Amber.
"About Reign's situation. I just want to say I'm sorry sa lahat ng nangyari Amber."
"For what? Wala ng magbabago Stacey. Nangyari na ang lahat. Nasaktan mo na si Reign. And I'm sure may kinalaman ka sa nangyari kaya wala siyang maalala ngayon. Kaya puro kaplastikan ngayon yung mga pinapakita mo sa pinsan ko."
"Pano mo nalaman na wala siyang naaalala?" nagtatakang tanong ni Stacey.
"Tinawagan agad ako ni Tita Nadine matapos nilang mag-usap ng doctor. Alam mo ba kung bakit niya ipinaalam agad sakin? Para hindi ko mabanggit si Tobe incase na magkita at magkausap ulit kami ni Reign. Para tuluyang makalimutan ng anak nila yung taong mahal na mahal niya."
"I'm sorry talaga Amber. Pinagsisisihan ko na ang lahat."
"Bakit ngayon lang? Dapat nuon pa Stacey. Nung panahong masaya pang magkasama sina Reign at Tobe." pagkasabi ni Amber ay nagpatuloy na siya sa paglalakad.
Amber's POV
Hindi ko kayang paniwalaan si Stacey kanina sa sinasabi niyang pinagsisisihan niya na ang lahat.
Nalulungkot ako para sa pinsan ko. Mas gusto pa nina Tita Nadine at Tito Ricky na makalimutan niya ang katotohanan.
Haixts.
Nakakapanibago tuloy sa school.
Wala kasi si Reign. Iba na palagi kasabay kong pumasok at kumain sa school. Sina Drake, Eumi, Blaire, Tobe, Peter, Mikei at Josh palagi ko nakakausap sa Campus.
![](https://img.wattpad.com/cover/11374660-288-k586056.jpg)
BINABASA MO ANG
My Facebook Girlfriend - ♥ My FB GF Story ♥ ☺ Complete ☺
Teen FictionPrologue What's on your mind? Benjamin Jake Torres haixts., kaboring nmn ng bkasyon. mkpghanap n lng ng karelasyon :-) Elarei Gomez :-) gwin mu lng aqng krelasyon., promise i won't leave u alone. :-* tug tugz tug tugz tug tugz ❤ One month...