Pagtingin ko ulit kay Tobe, nakangiti siya sakin.
^,^
"Patingnan natin kay Nurse Joy. Nagkukulay ube kasi. Baka may napirat na ugat sa loob. Tara."
Tapos inalalayan niya na ko papuntang clinic.
Grabe.
Speechless ako habang naglalakad kami.
Yung mga students sa paligid namin, lahat sila nakatingin.
"Ahm, Tobe este Jake." nahihiyang sabi ko kay Tobe. Bigla naman siyang tumawa.
"Bakit ka tumatawa?" takang tanung ko sa kanya.
"Mas sanay ka ata na Tobe ang tawag sakin kesa sa Jake eh."
Hindi ako nakaimik dahil sa sinabi niya.
"Ok lang na Tobe itawag mo sakin. Kung san ka mas komportable. Hmmn. Ano ba yung sasabihin mo?"
"Ahm, ako na lang pupunta sa clinic. Baka kasi nakakaabala na."
"Ok lang. Ako naman may kasalanan eh. Saka wala pa namang klase eh."
Pagkarating naman namin sa clinic ay tiningnan agad ni Nurse Joy ang kamay ko. May inabot siyang cream sakin.
"Iapply mo to Reign sa kamay mo ha. Wag mo masyadong ihihilot, baka kasi may matamaan kang ugat at lalo pang lumala. Ok. 2 or 3 weeks siguro magaling na yan." paliwanag ni Nurse Joy sakin.
"Ahm ok po. Salamat Nurse Joy."
Pagkalabas namin sa clinic ay umupo muna kami sandali sa may bench.
Ano ba to. Nahihiya akong umimik sa kanya.
Ano kayang magandang sabihin?
Hmmmn.
"Pasensya na kanina ha kung nabunggo kita. Hindi ko talaga sinasadya." paliwanag niya sakin.
"Eh bakit ba kasi tumatakbo ka sa may hallway?" tanong ko habang inaayos ko ang salamin sa mata ko.
"Tinakbuhan ko kasi sina Peter at Josh. Ang kukulit kasi. Tinatanong kung sino daw yung gf ko."
Nasamid ako bigla.
BINABASA MO ANG
My Facebook Girlfriend - ♥ My FB GF Story ♥ ☺ Complete ☺
Novela JuvenilPrologue What's on your mind? Benjamin Jake Torres haixts., kaboring nmn ng bkasyon. mkpghanap n lng ng karelasyon :-) Elarei Gomez :-) gwin mu lng aqng krelasyon., promise i won't leave u alone. :-* tug tugz tug tugz tug tugz ❤ One month...